Question:

Alamat ng angono rizal,,,,how angono rizal came to be??

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

Alamat ng angono rizal,,,,how angono rizal came to be??

 Tags:

   Report

1 ANSWERS


  1. taung 1602, isang pari ang sumulat

    Sa kasaysayang magiging alamat,

    Nang malawak at magandang asyenda;

    Na nasasakop ng Pasig bilang isang visita.

    Ang bayang Binangonan ang dito’y sumasakop,

    Na noo’y sa lalawigang La Laguna nakapaloob;

    Sa simula’y ang patrong San Clemente

    Ang ipinidestal nang naunang prayle.

    Taung 1745, isang kastila ang nakabili

    Ng asyendang Angono na ang kasawiling

    Mga manggagawa'y galing sa kanugnog

    Nang malapit na bayang dito’y nakalibot.

    Taung 1753, isang kastilang tsaplin

    Ang itinalaga at binigyang habilin,

    Upang ang Angono ay magsariling bayan;

    Ayon sa superyor ng gobyernong iginagalang.

    Taung 1766, labing tatlong taung gumulong

    Ang sa Nunong kariton sa bayang umusbong,

    Ang dating visita na nilikha at natatag nang matatag

    Ay naging isang nagsariling bayang sumikat.

    1853, walumpu’t-pitong tau’y lumipas,

    Ang bayang Angono’y inihiwalay at binaklas

    Sa lalawigang La Laguna; isinama sa bagong Distrito

    De Los Montes de San Mateo, taung 1857 nang magulo

    At dito natatag ang Distrito Politico de Militar de Morong,

    1,394 ang bilang ng taong nanigil, 1896 ang taon;

    At noong taung 1898, ika-anim ng Agosto

    Umanib ang Angono sa Rebulusyunaryong Gobyerno

    Nang magiting na si Heneral Emilio Aguinaldo.

    Muling gumulong ang naningalang pugad na Angono,

    Bayang ginawang alamat ng dakilang pintor na si Botong

    At musikong San Pedro;dumagsa ang nanigilang pulutong.

    Agosto 19, 1938, ito’y nagsarili sa bisa ng Ehekutibong

    Atas bilang 158, wumagayway ang bandera ng Angono,

    Pinagulong nina Lucio at Botong ang kariton ng bayan;

    Lumipas ang 65 taon, pumisik ang apoy ng kasaysayan.

    Sa mga bunsong bagting ng kabataang

    Ang talas ng mga isipa’y iginasang

    Sa matitigas na batong moog sa Koleke,

    At ang kanlunga’y ang mayabong na Balete.

    Ngayon, Neo-Angono ang bagong iniluwal,

    Bilang paghuhunos sa umuunlad na bayan;

    Dito sa lalawigang lagi nating ipagbabantog

    Sa pamamagitan ng bagong taktikang isinasaloob.

    Ngayo’y ito ang mitsa ng unang paglagablab,

    Upang sumirit paimbulog at masaksihan nang lahat;

    Ang PIPAF na Pandaigdigang Performance Art Festival

    Ng Neo-Angonong ang lumikha ay pawang kabataan.

    Nobyembre 21, 2004

    Sa harap ng puntod nina Botong Francisco at Lucio San Pedro

    Parehong Pambansang Alagad ng Sining

    Sa bayan ng Angono, Rizal

    Revised September 19, 2005

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 1 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions