0 LIKES LikeUnLike
Tags:
Andres Cristobal Cruz Si Andres Cristobal Cruz ay ipinanganak sa Dagupan City, Pangasinan, noong Nobyembre 30, 1929. Siya ay lumaki sa Tondo,Maynila. Siya ay nag-aral sa Torres High School at Unibersidad ng Pilipinas kung saan siya tumanggap ng A.B. noong 1953. Inedit niya ang pangkat ng literatura ng Philippine Collegian at ang Literary Apprentice na nilimbag ng University of the Philippines’ Writer’s Club. Siya ay nagtrabaho sa Liwayway Publications, Inc. Nagsilbi siya bilang lihim na sekretarya ni Manila Mayor Antonio Villegas. Siya ay nagtatrabaho sa Phoenix Publishing House sa Maynila. Si Andres Cristobal Cruz ay kilalang makata at kwentista. Ang kalipunan ng kanyang mga nasulat na tula na may pamagat na Estero Poems ay nalimbag noong taong 1961. Noong 1964 ay lumabas naman ang katipunan ng mga kuwento na may pamagat na White Wall. Ang magaganda niyang mga tula ay Flower by the Estero, Evening Song, Dusk, Night on the Estero, at Dawn. Ang panganay na nobela ni Andres Cristobal Cruz ay pinamagatang “Ang Tundo Man May Langit Din.” Kung mababasa ang aklat, mapapansin ang palagiang pagbanggit ng pangunahing tauhan sa pamagat ng nobela. Kung ang kabuaan ng isang nobela, o alinmang anyo ng sining pampanitikan ay sinasabing sagisag ng isinawikang ugna-ugnayan ng mga kaisipan at damdamin sa buhay, pamumuhay, at kabuhayan ng tao at uring kanyang kinabibilangan. Ang Tundo Man May Langit Din ay maituturing na biyaya ng maraming ugnayan sa isang panahon ng pag-ibig. Narito ang maraming pagsubok, kabiguan at tagumpay, ang diwang ispiritwal, damdaming mapanghimagsik, ang pagkilos na makatao’t makabayan.
Report (2) (0) | earlier
wooh,, love you mam fifi, mahal ka namin!! :D
Report (0) (0) | earlier
tao!!
hirap maghanap ng talambuhay niya..
thnx po...
Report (2) (1) | earlier
Latest activity: earlier. This question has 5 answers.