Question:

Ano ang Ano ang teorya ng pinagmulan ng pilipinas?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

1 ANSWERS


  1. Teorya ng Tulay na Lupa
    Ang teoryang ito ay inihayag ni Fritj of Voss. Isinasaad ng teoryang ito na kabit-kabit dati ang mga lupain ng mundo at nagmukha lamang hiwa-hiwalay dahil natunaw ang mga bundok ng yelo. Ito ang naging dahilan ang paglalakbay ng mga tao sa iba’t ibang kontinente.
    Teorya ng Bulkanismo
    Ito ay inilahad ni Bailey Willis. Sinasabi ng teoryang ito na ang Pilipinas ay sumulpot dahil sa malakas na puwersa at pag-galaw na naganap sa kailaliman ng dagat may 200 milyong taon ang nakalipas.
    Teorya ng Diyastropismo
    Ang diyastropismo ay ang ang pag-galaw ng ibabaw na lupa na nagsanhi ng pagkawala ng hugis ng mga bato. Napaibabaw sa tubig ang mga magagang bato at ibang materyal na tumaas kaysa sa dagat.
    Teorya ng Pagkaanod ng Kontinente (Continental Drift)
    Inalahad ito ni Alfred Wegener noong 1912. Isinasaad dito na noong 200 milyong taong nakakalipas, iisa lamang ang kontinente sa mundo, ang Pangea. Malipas ang ilang daang taon, Ito ay nahati sa sa dalawang kontinente, ang Laurasia at Gondwanaland, at nahati pa ang mga ito sa iba't ibang lupa na katulad ng sa kasalukuyan.
    Ang Teorya ng pinagmulan ng pilipinas ay ang \"Plate Tectonic Theory\" at ang paglitaw ng Pilipinas sa Sunda shelf. Pero ang pinaka malapit sa lahat ay ang Bulkanismo na nagsasaad na ang Pilipinas ay nabuo dahil marami itong bulkan sa ilalim ng karagatan.

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 1 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.