Question:

Ano ang Polo y Servicio?

by  |  earlier

1 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

11 ANSWERS


  1. Ito ang sapilitang paggawa ng walang kabayaran na ipinapalagay na paghahandog sa hari ng España at sa simbahan.Sa sistemang ito,ang lahat ng kalalakihan na may edad 16 hanggang 60 ay sapilitang pinagtatrabaho ng mga mabibigat na gawain para sa bayan.Ilan sa kanilang ginagawa ay mga kalsada,simbahan,tulay,mga paaralan,at mga gusaling pampamahalaan.Sa katunayan,ang itinadhana ng sistemang polo ng hari ay bayaran ang mga manggagawa;ang mga malulusog at malalakas lamang ang magtatrabaho,at hindi sila malalayo sa kanilang pamilya.Subalit,sa pagmamalabis ng mga tagapangasiwa,wala sa mga alituntuning ito ang nasunod,kung kaya ito ay nagdulot ng labis na kahirapan sa mamamayan.


  2. sapilitang paggawa, noong panahon ng mga kastila.

  3. ewan ko kya ng me ngttanong ehhhhhhhhhhhhhhhhhhh

  4. ito ay sapilitang paggawa ng walang kabayaran na ipinapalagay na paghahandog sa hari ng espanya at sa simbahan.Sa sistemang ito,lahat ng kalalakihan na may edad 16 hanggang 60 ay sapilitang pinag tratrabaho ng mga mabibigat na gawain gaya ng paggawa ng simbahan,kalsada at tulay

  5. If a man join together to pursuit knowledge, no one can take it from him.cheap nfl jersys Books are to human beings which as nba jerseys sale emory to the individuanl nhl Jerseys.We cannot change anything mlb jerseys unless we learn and accept it, d**n does not liberate it, it oppresses.A classic adidas jerseys book which people praise but don't read.A man dies still if he has done nothing, as one who has done football child jerseys much.Education is something? which remains ofter one has forgotten everything football jerseys he learned in school.Education is something remains ofter one has forgotten everything he learned in school.http://www.nfljerseymlb.com/

  6. pardon me

    ANg Ibigsabihin tanga ka!

  7. (noong 1884, pinaikli ang panahon ng pagtatrabaho ng mga polistas sa 15 araw)

  8. Ang polo y servicio ay isa sa mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa panahon ng kanilang pananakop dito sa Pilipinas. Ito ay ang sapilitang pagtatrabaho ng mga kalalakihang Pilipinong nasa edad 16-60. Pinagtrabaho sila para sa pamahalaan nang 40 araw. Polistas ang tawag sa kanila. Hindi sakop ng kautusan ang mga guro, mga principalia, mga opisyal ng gobyerno at mga maykaya. Karaniwang pinagtatrabaho ang mga polistas sa pagtatayo ng mga tulay, kalsada, simbahan, at sa mga pagawaan ng barko. Isinasama rin sila ng mga tropang Espanyol tuwing may mga ekspedisyong pangmilitar ang mga ito.

  9. sapilitang pagtatarabaho Ang pagpapalaganap ng relihiyong Katoliko ang naging unang hakbang ng malawakang pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Sa pamamagitan nito, nabigyan ng pagkakataon na maisakatuparan ang tunay na hangarin ng Espanya sa ating bansa. Nagtatag sila ng mga patakaran na masasabi nating nagbigay ng malaking epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino. Isa sa mga patakarang itinatag ng mga Espanyol ay ang sapilitang pagtatrabaho, kilala sa tawag na Polo y Servicio.

    Ang Polo y Servicio o Prestacion Personal ay hango sa sistemang Repartimiento de Labor na ipinatupad ng Espanya sa Mexico. Ito ay sapilitang pagpapatrabaho sa mga lalaking Pilipino at Mestizo Tsino na may edad na labing-anim (16) hanggang animnapu (60). Nagtatrabaho ang mga ito ng apatnapung (40) araw bawat taon. Polista ang tawag sa mga manggagawang nito. Ang mga trabaho ay dapat na pampublikong serbisyo tulad ng pagtatayo ng mga imprastraktura gaya ng gusali at simbahan; pagpuputol ng malalaking puno; at pag-aayos ng mga kalsada ngunit dahil sa nasasakop ng sistemang encomienda ang Polo y Servicio, ang ibang mga Polista ay naninilbihan sa bahay ng encomiendero. Makakaligtas lamang ang mga polista kung makakabayad sila ng falia na katumbas ng pangaraw-araw na sahod na ibinibigay sa kanila.

    Ang patakarang polo y servicio ay masasabi nating epektibo sa maraming kadahilanan. Isa na rito ang mga imprastraktura na nakikita nating nananatiling nakatayo mula pa noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol hanggang ngayon. Ang mga ito ay ang mga matatandang simbahan at gusali na matatagpuan sa iba’t-ibang panig ng bansa. Pumapangalawa ang mga malalaking barko na ginagamit ng mga Espanyol sa pandaigdigang kalakalan. Dahil sa mga barkong ito, nagkaroon ng mga malawakang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at ibang bansa. Matindi ang pinagdaraanan ng mga Polista sa paggawa ng mga galyon dahil sa kinakailangan nilang magbuhat ng mga malalaking puno upang magamit sa paggawa ng mga ito. Naging epektibo rin ito dahil sa ito ay sapilitan. Kung hindi magtrabaho ang mga polista, sila ay mapaparusahan. Upang hindi sila maparusahan, tinitiis na lamang ng mga Pilipino ang humugit kumulang na dalawang buwang pagtatrabaho.i hope maka22long 2 sa yo

  10. ewan qouh

  11. ang ibig sabihin ng sapilitang pagawa ay walang tigil na paggwa ng mga ninuno ntin. 40 na araw sila gumagawa walang katapusan...

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 11 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions