Question:

Ano ang alamat na pinagmulan ng pilipinas?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

4 ANSWERS


  1. ANG  KASAYSAYAN ng Unang Panahon sa Pilipinas ay natatakpan  ng limot, at malamang hindi naisulat ng mga Unang Pilipino ang kanilang diwa at mga karanasan, kaya ilang daang taon inakala na lubusan nang naglaho at hindi na masasagip ang nakaraan ngayon. Alingasngas lamang at hindi tutuo na sinunog at binurâ ng mga Español lahat ng kasulatan at anumang bahid ng lumang kagawian (traditions) upang mapalawak ang catholico, tulad ng ginawa nila sa Mexico at iba pang bahagi ng America. Ang tutuo ay walang kasulatan anuman ng kagawiang Pilipino bago dumating ang mga Español. At tutuo rin na hindi naburâ ang mga lumang kagawian. Matagal pagkaraan ng panahon ng Español, “buhay” at inawit pa ang maraming alamat.

    Ilang ulat lamang tungkol sa sinaunang tao ang naka-abot sa kasalukuyan, sa cronicas ng mga unang frayleng dumating sa Pilipinas halos 400 taon sa lumipas. Ang hirap, itinago ang cronicas sa mga convento sa España at nanatiling lihim sa buong daigdig, hanggang inilathala ni Jose Rizal nuong bandang 1889 ang unang cronica na nabunyag sa mga Pilipino, ang ‘Sucesos de las Islas Felipinas,’ sinulat ni Antonio de Morga nuong 1607.

    Pagkasakop ng America sa Pilipinas nuong 1898 saka lamang sinaliksik at inilathala ang iba pang cronicas na, sa tingin ng marami, ay tanging nalalabing larawan ng mga Unang Pilipino. Mahalaga ang mga paglalarawan, ilan ay isinalin sa Tagalog at nakahayag sa website na ito, subalit taglay nila ang 3 katangian: Una, guhit sila sa hindi nakakaunawang mata ng mga dayuhan; pang-2, ang layunin ng mga frayle ay ibahin at binyagan ang mga tao, hindi itaguyod ang kanilang mga lumang gawi; at pang-3, ang libu-libong taon ng kasaysayan ng Pilipino bago dumating ang taga-Europe ay nanatiling madilim kung hindi man bale wala.

    Unti-unti at dahan-dahan, sa sikap ng mga Amerkano nuong una, at ng mga Pilipino at ng mga Australian sa kasalukuyan, pinapawi ang dilim at binibigyan halaga ang malayong nakaraan ng Pilipinas. Subaybay madalas sa mga pahayagan at magazines ang mga katibayang nahuhukay ng mga archaeologists at mga nag-agham (scientists) tungkol sa buhay ng mga Unang Tao sa Pilipinas. At, paksa nitong aklat, ang mga alamat at awit ay bumubuhay muli sa damdamin at pag-iisip ng mga limot nang Pilipino. Sa mga kataga mismo ng mga ninuno, naririnig ng mga Pilipino ngayon ang sigasig ng malabo nang alaala na nagdala sa ating lahat sa kasalukuyan.

    Kaya matino man ang layunin ng babala ni John Maurice Miller na huwag paniwalaan ng mga bata ang mga alamat, tumpak naman ang sikap niya, at ng iba pang guro at manaliksik (researchers), na ituro sa mga Pilipino ang mga salaysay mula sa mga ninuno, inawit o tinula sa kani-kanilang wika tuwing may pagdiriwang o anumang pagtitipon ng mga tao nuong nakaraan.

    Karaniwang tungkol ang mga ito sa mga bayani ( folk heros), ang mga

    kagitingan (exploits) na kanilang ginawa, at ang mga hiwaga (misterios, magic) o mga halimaw (monsters) na kanilang hinarap, kinalaban at tinalo.
    Mula sa mga salaysay na ito ng kababalaghan maaaring matanaw ang buhay at pag-iisip ng mga lumipas nang Pilipino. At baka rin, mula sa mga hiyas (alajas, gems) na ito ng ating kasaysayan (history), maunawaan kahit kaunti ang pagkatao at kalagayan ng kasalukuyang Pilipino.


  2. bah ewan ko...........nehehe

  3. ang kwento ng alamat ng pilipinas ay may isang itim na ibon na napagod sa kalilipad ,nisipan niya na pag awayin si dagat at langit .at ganoon na nga ang nangyari ,sa sobrang galit nagsaboy si dagat ng tubig samantalang si langit naman ay naghulog ng malalaking bato .tumama ito sa isat-isa kayat ito ay naging lupa at ito na ang pilipinas.

  4. ANU ANG ALAMAT NA PINADMULAN NG PILIPINAS

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 4 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.