Question:

Ano ang dalawang uri ng sanaysay?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

2 ANSWERS


  1. naysay. Ito ay ang maanyo o pormal at palagayan o di pormal.
    Ang maanyo o pormal na sanaysay ay nangangailangan ng maingat, maayos at mabisang paglalahad ng mga kaisipan. Ang pananalita ay pinipiling mabuti. Ang paksa ay pinag-uukulan ng isang masusing pag-aaral. Seryoso ang ganitong uri ng sanaysay. Maingat na inilalahad at ipinaliliwanag ng awtor ang kanyang tinatalakay na bagay o isyu nang hindi lamang nababatay sa sarili niyang karanasan at nalalaman. May mga sanggunian o basehan siya, may batayang kilala at kinikilala sa kanyang mga inilalahad.
    Ang sanaysay na di-pormal o palagayan ay tila nakikipag-usap, pansarili ang himig at may kalayaan ang ayos sa pagpapahayag. Ang karaniwang layunin nito ay magpakilala ng mahalagang kaalaman. Sa uring ito ng sanaysay, maaring paksain ang balana lalo na ang kaugalian ng tao sa isang masaklaw na paglalahad. Dahil sa pamamaraang masaya at masigla, ang sanaysay na di-pormal o palagayan ay siyang ipinalalagay na kaakit-akit at kawili-wiling basahin.
    (mula sa Gintong Pamana nina L. Nakpil at L. Dominguez)
    Iba pang kahulugan ng nga Uri ng sanaysay
    Pormal - ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan. Kung minsa'y tinatawag itong impersonal o syentipiko sapagkat ito'y binabasa upang makakuha ng impormasyon.
    Impormal - ito ay tinatawag ding pamilyar o personal na nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may akda. Ito ay may himig na parang nakikipag-usap, nais maglahad ng isang panuntunan sa buhay. Ito rin ay naglalarawan ng mga pakahulugan ng may akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagmumuni-muni at paglalahad ng pala-palagay o kuro-kuro.

       1. Ang paksa'y kaakit-akit at kawili-wili
       2. Ito'y hindi isinulat upang makasakit ng damdamin ng iba o upang mangaral.
       3. Ito'y masigla, masaya, magpatawa.
       4. Maliwanag na mababanaag ang magandang kalooban ng may akda.
       5. Nagpapakilala ng malawak na kaalaman ng may akda ukol sa mga aklat, tao, kalikasan at iba't ibang mga bagay.

    5.


    HospiMedica  By: j0mAr 0mbA0=)


  2. hi

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 2 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.