Question:

Ano ang gamit ng nang at ng?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

2 ANSWERS




  1. *Nang: karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at ito ay panimula ng katulong na sugnay.

    Halimbawa: Mag-aral ka nang mabuti ng makapasa ka sa eksam.

    : nagmula sa na at inangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panaguri nito.

    Halimbawa: Nagdasal nang taimtim ang mga deboto.

    : ginagamit sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o neutral na inuulit at dalawang pandiwang inuulit.

    Mga halimbawa: Suklay nang suklay

    : Mag-ipon nang mag-ipon

    : Nagdasal nang nagdasal

    *Ng: ginagamit na pananda sa tuwirang layo ng pandiwang palipat.

    Halimbawa: Nagtanim ng palay ang mga magsasaka.

    : ginagamit na pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.

    Halimbawa: Ibinaling ng bata ang kanyang atensyon sa kanyang laruan.

    : ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.

    Halimbawa: Ang palad ng mga mayayaman ay karaniwang makikinis.


     


  2. NG GINAGAMIT SA PANG URI,NANG AY GINAGAMIT SA PANDIWA

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 2 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.