LABAW DONGGON NG HILIGAYNON
Ang epikong ito's tungkol kay Labaw Donggon na masasabing mahilig sa magagandang babae. Anak siya isang diwatang si Abyang Alunsina at ng isang karaniwang nilalang. Kapatid niya sina Humadapon at Dumalapdap. Kasisilang pa lamang nila sa saigdig ay nakapagsasalita na sila.
Nang dumating ang panahon ng pagnanais ni Labaw Donggong mag-asawa na, nagpaalam sa ina upang tumungo sa Handog, isang malayong pook. Sa may paanan ng Ilog-Halawod ay may nakatirang napagandang babaing si Anggoy Ginbitinan. Nagpaalam si Labaw sa ina upang magtungo roon. Laban man sa kalooban ng ina na umalis si Labaw Donggon dahil sa napakabata pa nito'y napilitan din itong pumayag. Binigyan niya ng damit na may engkanto ang anak. Lumipad ito sa ibayo ng ulap na dala-dala ng hangin. Nakalagpas ito sa pagsubok ng ina ng dalaga. Kaya nagtagumpay siya kay Anggoy Gibitinan.
Ilang linggo lamang silang nagsama, nabalisa na naman si Labaw Donggon. Nais naman niyang puntahan ang isang magandang babaing siyang patnubay ng ilog at bukal. Nakatira ito sa ilalim ng lupa. Ito si Anggoy Doronoon. Hindi siya napigil ng asawa sa pagtungo sa ilalim ng lupa. Nakamit din niya si Anggoy Doronoon.
Nagsama sila ng ilang panahon. Pagkatapos, muling bumalik si Labaw Donggon kay Ginbitinan. Nagsama silang muli. Nabalisa na naman si Donggon pagkalipas ng ilang panahon. May magandang babae sa paanan ng tagpuan ng dagat at langit si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata na asawa ni Buyong Saragnayan. Nais niyang mapangasawa ito. Humingi si Donggon ng pahintulot sa dalawang asawa upang puntahan si Nagmalitong Yawa. Ayaw man nila, wala silang nagawa.
Hindi naging madali para kay Donggon na makamit si Nagmalitaong Yawa sapagkat may asawa na ito. Naglaban sila ni Saragnayan. Inilubog ni Donggon nang pitong taon sa tubig si Saragnayan, ngunit hindi niya ito napatay. Binayo na niya ito nang binayo, wala pa ring nangyari. Pinaikut na niya nang pinaikot sa mga ulap si Saragnayan, hindi pa rin ito namamatay. Siya na ang sumuko sa pagod pagkalipas ng maraming taon.
Nang mapagod na si Donggon at saka nanlaban si Saragnayan. Sa gayo'y naitali niya si Donggon at naikulong sa isang kulungan ng baboy, sa ilalim ng kanilang lutuan.
Samantala, nanganak naman si Doronoon. Isang lalaki. Si Buyung Baranugun. Nakapagsalita at nakatindig agad ang bata pagsilang sa maliwanag. Hinanap na ang kanyang ama. Si Ginbitinan man ay nanganak din. Isang lalaking pinangalang Asu Mangga. Naghanap din ng ama.
Nagkasalubong ang dalawa sa karagatan. Naglalakad sa ibabaw ng tubig si Baranugun at lulan ng bangka si Asu Mangga. Napag-alaman nilang kapwa nila hinahanap ang palikerong ama. Nakarating sila sa Lupang Sinisikatan ng Araw. Sumangguni sila sa kanilang bolong kristal. Napag-alaman nilang nakakulong sa ilalim ng lutuan ang kanilang ama.
Kahit na mga bata pa sila, nakipaglaban sila kay Saragnayan. Ngunit wala silang magawa. Hindi nila mapatay si Saragnayan. Pinuntahan ni Baranugun ang kanyang lolang si Abyang Alunsina upang sumangguni. Sinabi nitong mapapatay lamang ito kung mapapatay ang baboy-ramong kinatataguan ng hininga nito. Dapat diong kanin ang puso ng baboy-ramo.
Sa pamamagitan ng kanilang mga engkanto, natagpuan at napatay ng magkapatid ang baboy-ramong at sa isang iglap, nanghina si Saragnayan. Ito na ang naging wakas nito. Natamaan siya ng palaso ni Baranugun. Sa dalawang mata siya napatamaan. Sa lakas ng sigaw niya, nabuwal ang mga puno at nanginig ang daigdig at nagdilim. Iyon ang unang lindol at unang gabi.
Ngunit hindi nakita ng magkapatid ang ama sa pinagkulungan dito. Tumulong na rin sina Humadapnon at Dumalaplap sa paghahanap kay Donggon. Pagkalipas ng maraming araw, natagpuan din nila sa loob ng isang lambat sa pampangin ng maybahay ni Saragnayan.
Nawala na ang dating kakisigan at kagitingan ni Donggon dahil sa labis na paghahangad sa magaganda, kahit na may asawa nang dalawaang babae. Ngunit hindi pa rin tumigil si Donggon. Sinabi niya sa dalawang asawa na nais niyang mapangasawa si Malitong Yawa. Nagsiklab sa galit ang dalawang babae, ngunit ipinaliwanag ni Donggon na pantay-pantay ang gagawin niyang pagmamahal at kinakailangan sa matapang na kawal ang magkaroon ng maraming babae. Ipinagdasal pa ng dalawang babaing lumakas muli si Donggon. Nagbalik naman ang dating kakisigan at lakas nito.
Report (0) (0) |
10 years, 3 month(s) ago