Question:

Ano ang impluwensya ng kastila sa pilipinas?

by Guest116  |  earlier

2 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

9 ANSWERS


  1. Ano ba talaga ang impluwensya ng mga kastila sa atin pagdating sa pagkain?


  2.  isa sa mga impluwensiya ng kastila sa mga pilipino ay sumamba


  3.  ano ang impluwensiya sa pagkain


     


     


  4. ahhhh,,,alam kung ang kulturang pilipino ay hindi mawawala sa buong mundo,,,kaya TAAS NOO AKO ,,,,MAHAL KO BAYAN KO !!!!!!!1


  5. Kristiyanismo.


  6. f**k

  7. wala naman tayong natututunan sa kanila eh!

  8. natuto ang mga pilipinong gumamit ng mga sangkap o spices

  9. Lahat na yata ng aspeto sa buhay ng mga Pilipino ay naimpluwensya ng mga Espanyol. Unang-una ang Katolisismong pananampalataya at pagdiriwang ng mga fiesta. Sa edukasyon, pilit na itinuro ang relihiyon at wikang Espanyol. Kaya kapansin-pansin ang mga hiram na salita gaya ng mesa, taza, tinidor at iba pa. Ang mga pangalan din ng mga Filipino ay pinalitan. Maraming Filipino ngayon ay may apilyidong Espanyol gaya ng Chavez, Zamora, Quezon, Rodriguez, atbp. May impluwensya din ang mga Espanyol sa pananamit at pagluluto.
    pagkain:
    natuto ang mga Pilipino na kumain ng tinapay, karne ng baka at tupa, longganisa,sardinas, hamon, at atsara. natutuhan nila ang pag-inom ng kape, tsokolate, at alak. gayundin ang paggamit ng kutsara, tinidor, plato, tasa, baso at serbilyetas. natuto rin silang kumain ng mga halamang pagkain gaya ng mais, patatas, repolyo, kakaw at iba pa.


    Pananamit:
    Natutong mag suot ng americana, pantalon at sombrero ang mga lalaki. saya at kamisang maluwang at may mahahabang manggas sa mga babae. nagsusuot na rin ng sapatos, tsinelas, medyas, panwelo at payneta.

    Musika:
    Itinuro ng Kastila ang paggamit ng instrumentong pangmusika gaya ng byulin, plawta, alpa,pyano at gitara. likas na mahilig sa musika, nakalikha ang mga Pilipino ng mga instrumentong musikal buhat sa kawayan. bumuo sila ng banda ng musikong bumbong na tumututog sa mga kasayahan. ang organong kawayan na tanyag sa daigdig ay matatagpuan sa Simbahan ng Las Pinas, Metropolitan Manila. ito ay nilikha noong 1818 ni Padre Diego Cerra, isang paring kastila. ang Lupang Hinirang ni Julian Felipe at awiting Sampaguita ni Dolores Paterno ay impluwensyang Kastila.

    Sayaw:
    Madali ring natutuhan ng mga Pilipino ang mga sayaw mula sa Espanya tulad ng carinosa, pandango, surtido, La Jota, rigodon, polka at lancero.

    Sining:
    Nalinang noong panahon ng mga Kastila ang husay ng mga Pilipino sa larangan ng pagpipinta at iskultura. Tinagurian noon na Ama ng mga Pintor na Pilipino si Damian Domingo na unang pintor na Pilipino. umani ng tagumpay sa mga paligsahang pandaigdig sa pagpipinta sina Juan Luna at Filex Resurreccion Hidalgo. Si Juan Luna ang nagpinta ng Spoliarium at ng Sanduguan. Naging mahusay na mga manlililok ng mag imahen ng mga santong Katoliko ang ilang Pilipino. Si Mariano Madrinan ang tinaguriang Pinakadakilang Iskultor na Pilipino noon. Naging tanyag din sa larangang ito sina Dr.Jose Rizal, Isabelo Tampingco, Cipriano Bacay, Manuael Asuncion, Jose Arevallo at Pelagia Mendoza, ang unang Pilipinang manlililok.

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 9 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.