0 LIKES LikeUnLike
Tags:
eto 1. Dalwang magkaibigan. Habulan nghabulan - PAA 2. Hindi hari, Hindi pari. Nagsusuot ngsari-sari. - SAMPAYAN 3. Hindi tao, hindi ibon. Bumabalik 'pag itapon. - YOYO 4. Mataas kung nakaupo. Mababa kung nakatayo. - ASO 5. Bahay ni Tinyente. Nag-iisa ang poste. - PAYONG 6. Palda ni Santa Maria. Kulay ay iba-iba. - BAHAGHARI 7. Ako ay may kaibigan. Kasama ko kahit saan. - ANINO 8. Hayan na, Hayan na. 'Di mo pa makita. - HANGIN 9. Iisa ang pasukan. Tatlo ang labasan. - DAMIT 10. Eto na si Kaka, bubukabukaka. - GUNTING 11. Nagtago si Pedro, labas ang ulo. - PAKO 12. Hindi reyna. Hindi prinsesa. Ngunit may korona. - BAYABAS 13. Isang magandang dalaga. 'Di mabilang ang mata. - MAIS 14. May langit. May lupa. May tubig. Walang isda. - BUKO 15. Dalawang batong itim, malayo ang mararating. - MATA 16. Bahay ni Mang Pedro, punong-puno ng bato. - PAPAYA 17. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. - KAMPANA 18. Sa isang kalabit, may buhay na kapalit. - BARIL 19. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa. - KASOY 20. Nagbibigay na, sinasakal pa. - BOTE
Report (0) (0) | earlier
Report (0) (1) | earlier
Latest activity: earlier. This question has 8 answers.