Question:

Ano ang mga kaganapan ng pandiwa?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

1 ANSWERS


  1. Kaganapan ng Pandiwa


    Ang kaganapan ng pandiwa ay tumutukoy sa bahagi ng panaguri na bumubuo o nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa.


    May pitong uri ng kaganapan ng pandiwa: Kaganapang aktor/ tagaganap, kaganapang layon, kaganapang tagatanggap, kaganapang ganap, kaganapang kagamitan, kaganapang sanhi at kaganapang direksyonal.



       1.

          Kaganapang Aktor/ Tagaganap- Bahagi ito ng panaguri na nagsasagawa sa kilos na isinasaad ng pandiwa.

       2.

          Kaganapang Layon- Tumutulong ito sa bahagi ng panaguri na nagsasaad kung ano ang bagay o mga bagay na pinagtutuunan ng pandiwa.

       3.

          Kaganapang Ganapan- Bahagi ito ng panaguri na nagsasaad ng lugar na pinangyarihan ng kilos ng pandiwa.

       4.

          Kaganapang Tagatanggap- Ito ang pinaglalaanan ng kilos na isinasaad ng pandiwa.

       5.

          Kaganapang Sanhi o Dahilan- Bahagi ito ng panaguri na tumutukoy sa sanhi o dahilan ng kilos na isinasaad ng pandiwa.

       6.

          Kaganapang Kagamitan- Ito ang nagsasaad ng instrumento o kasangkapang ginagamit upang maisakatuparan ang kilos na isinasaad ng pandiwa.

       7.

          Kaganapang Direksyonal- Isinasaad dito ang direksyon kung saan patungo ang kilos ng pandiwa.

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 1 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions