Question:

Ano ang mga naging kontribusyon ng india?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

2 ANSWERS


  1. Relihiyon

    Ang pinakaunang kontribusyon ng India ay ang pagbibigay sa daigdig ng apat na relihiyon -- Hinduismo, Buddhismo, Sikhismo, at Jainismo. Ang Hinduismo ang pinakamatandang organisadong relihiyon at may 463 milyong tagasunod, karamihan ay sa Indian Subcontinent. Ito ang pinagmulan ng maraming modernong kultong relihiyon tulad ng transcendental maditation (tm) ng Maharishi Mahesh Yogi, ang grupong Ramakrishna, theosophy, ang Jag Guru, at iba pa. Ang Buddhismo ay mayroong 247 milyong tagasunod sa buong mundo. Ang Sikhismo ay relihiyon ng 16 milyong Hindu, marami sa kanila ay nangibambayan sa Britanya at sa ibang bansa. Ang mga lalaking Sikh ay mahaba ang balbas at nakasuot ng turban. Ito ay pinaghalong relihiyon ng Hindu at Islam. Ang Jainismo ay may 12 milyong tagasunod sa India. Naniniwala sila sa kabanalan ng buhay, pati ang mga halaman at hayop. Ang relihiyong ito ang nagturo ng paniniwala gaya ng vegetarianism(pagkain ng gulay lamang), yoga, karma, at reincarnation.

    Pilosopiya

    Ang ikalawang kontribusyon ng India ay ang pagpapaunlad ng pilosopiya ng India kaysa sa Kanluran. Bago pa ang mga Greek at Romans, ang mga pilosoper ng India ay nagtatag na ng maraming sistemang pilosopikal, kabilang ang yoga, ang disiplina ng isip at katawan sa pamamagitan ng espirituwal na pagsasanay.

    Panitikan

    Ang ikatlong kontribusyon ng India ay ang pagpapayaman ng India sa kanilang pandaigdig na panitikan sa pamamagitan ng pagbibigay ng unang pabula (Panchatantra), unang dulang epiko (The Clay Cart ni Sudakra at Sakuntala ni Kalidasa), ang dakilang tulang epiko (Mahabharata at Ramayana), at ang dakilang pilosopikang tula ng daigdig(Bhagavad Gita).

    Musika, Sining, at Arkitektura

    Ang musika, sining, at arkitektura ng India ay kilala sa buong mundo, at ang ikaapat nilang kontribusyon sa daigdig. Ang klasikal na musikang Indian ay nakaimpluwensya sa kanluraning rock music ng The Beatles at iba pang grupong pop. Ang sining ng India ay nagtatanghal ng mga kasaysayan ng pag-ibig ng kanilang mga diyos na siyang kauna-unahang halimbawa ng malalaswang palabas. Sa arkitektura, ibinigay ng India sa daigdig ang Taj Mahal sa Agra, ang mga palasyo ng mga Mogul sa New Delhi, at ang Kailasha Temple sa Hyderabad. Ang mga klasikong gawang-kamay ng India sa tela, kahoy, metal, ivory, at katad ay hinahanap sa buong mundo.


  2. aba malay cuu.................
    .....by: jamirah 0r jam2

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 2 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions