0 LIKES LikeUnLike
Tags:
Uri Ng Pangungusap Ayon sa Gamit Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong kaisipan o diwa. Ang pangungusap ay may apat na uri ayon sa gamit. Ito ang sumusunod: 1. Pasalaysay o Paturol Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa tuldok. Mga Halimbawa Si Norberto ay isang matagumpay na arkitekto. Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis. Ang daigdig ay ang tanging planetang may buhay. 2. Patanong Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari. Tandang pananong(?) ang bantas sa hulihan nito. Mga Halimbawa Saan-saan matatagpuan ang magagandang tanawin
ng Pilipinas? Kailan ang huling pagsusulit para sa kasalukuyang semester? Kanino makukuha ang mga klas kards? 3. Padamdam Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba pa. Karaniwang nagtatapos ito sa tandang panamdam. Maaari ring gamitin ang tandang pananong. Mga Halimbawa Ay! Tama pala ang sagot ko. Ano? Hindi mo pa natatapos ang proyekto natin? Yehey! Wala na namang pasok. 4. Pautos o Pakiusap Ang pautos ay nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin, samantalang ang pakiusap ay nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na pamamaraan. Nagtatapos ito sa tuldok. Mga Halimbawa Pautos Mag-aral kang mabuti. Nararapat lamang matutong sumunod ang mga mag-aaral ng seminary sa patakaran ng Bible School. Pakiusap Pakibigay mo naman ito sa iyong guro. Maari bang iabot mo ang aklat na iyan?
palinlangan
anu-ano ang uri ng pangungusap ayon sa gamit
BBBBAAAAAAAALLLLLLLLLLLLLIIIIIIIIIIIIWWWWWWWWW KKKKKKKKKKKKAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYOOOOOOOOOOOOOOOOONNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGG LLLLLLLLLLLLLLLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHAAAAAAAAAAAAAAAAAAATTTTTTTTTTTTTT
Report (0) (1) | earlier
Report (0) (0) | earlier
Latest activity: earlier. This question has 18 answers.