Question:

Ano ang mga uri ng tayutay?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

5 ANSWERS


  1.  bobo


  2. ano po ba ang tayutay,..,...,..,


     


  3. ilan po ba ang tayutay sa pilipinas 


  4. anu ano ang mga halimbawa ng pabaligho

     


  5. 1.)Pagbibigay katauhan (Personification)-tinatawag din itong pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan.
    Hal. Lumuha ang langit nang pumanaw si Ninoy Aquino. •  Hinalikan ako ng malamig na hangin. * Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin * Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap * Sumasayaw ang mga dahon sap ah-ihip ng hangin.
    2.)Pagtutulad (simile) – isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita’t pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki’y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp.
    *•  Tila yelo sa lamig ang kamay ng nenenerbyos na mang-aawit. 2.Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad 3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning. 4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardinas sa piitan. 5. Si Maria na animo'y isang bagonh pitas na rosas ay hindi napaibig ng mayamang dayuhan.6Ang balat niya ay kasingputi ng niyebe.
    3.)Pagwawangis (Metapora) – isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing.
    * Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng buhay. Siya'y langit na di kayang abutin nino man. Ang kanyang mga kamay ay malamig na yelong dumampi sa aking pisngi. 3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero. 4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
    4.)Pagmamalabis (Eksaherasyon,hyperbole) – isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan.
    Hal. Bumaha ang dugo sa awayan ng mga magsasaka.Sa labis na kagutuman, kaya kong kumain ng sampung baka. •  Namuti ang kanyang buhok sa kakahintay sayo. * Abot langit ang pagmamahal niya sa aking kaibigan. * Bumaha ng mga dugo sa lansangan
    5.)Pagpapalit-diwa (Metonymy) – isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay.
    Hal. Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.
    Iniwasan na niya ang bote at baraha na nangangahulugang iniwasan na niya ang pag-inom ng alak at pagsusugal.
    6.) Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) – pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi.
    Hal. Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak. •  Isinambulat ang ordeng mula sa dibdib ng taksil. * isang Rizal ang nagbuwis ng buahy alang-alang sa Inang Bayan * Walong bibig ang umaasa kay Romeo
    7.)Panawagan (Apostrophe) – ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.
    Hal. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento. *O, tukso. Layuan mo ako. * Kamatayan, nasaan ka na? Wakasan mo na ang aking kapighatian. * Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian * Ulan, ulan kami'y lubayan na.
    8.)Pag-uyam – mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.
    Hal. Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng bahay. •  Wala kang ganang kuamin, kaya pala halos maubos mo ang ulam * Sa husay niyang kumanta, pampito siya sa pitong naglaban. * Maraming salamat sa paglalagay samin sa kapahamakan. * Siya ay may magandang kasuotan, gawa sa basahan.
    9.) Paglilipat-wika o Transferred epithet - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
    Hal.
    10.)Pabaligho (paradox)
    Hal.
    11.)Pagsalungat (Oxymoron)
    Hal.


    add me nalang sa inyong fs...he9....Tello_Jan@yahoo.com

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 5 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions