Question:

Ano ang pagkakakiba ng kakapusan at kakulangan?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

4 ANSWERS


  1. Ang KAKAPUSAN (scarcity) ay isang kalagayang pang-ekonomiya kung saan ang mga pinagkukunang yaman ay hindi na sapat upang matugunan ang pangangailangan ng tao...ito ay pangmatagalang suliranin bunga ng katotohanang ang mga pinagkukunang yaman ng bansa ay limitado lamang. Halimbawa ay ang suplay ng mga produktong yari sa kahoy dahil sa pagkaubos ng mga puno sa kagubatan na matatagalan ang solusyon dahil mahabang panahon ang hihintayin bago lumaki ang mga bagong punong itinanim pamalit sa mga pinutol na.

    Ang KAKULANGAN (shortage) ay isa ring kalagayang pang- ekonomiya na may kaugnayan din sa suplay ng mga produkto subalit panandalian lamang sapagkat maaaring masolusyunan ito sa panahong nakakuha na ng panibagong suplay ng produkto. Ito ay maaring ARTIPISYAL na kakulangan dahil sa maling gawain ng tao dahil sa pagtatago ng produkto o HOARDING. Kadalasang nangyayari ito sa ating ekonomiya dahil sa mga KARTEL o mga miembro na nagmamanipula sa pagbili, pamamahagi at pagpe-presyo ng produkto. Halimbawa nito ay ang suplay ng bigas sa mga pamilihan. Maaaring wala kang mabili ngayon dahil kulang ang suplay nito pero kung magde-deliver sila bukas maaari ka ng makabili bukas.

    Ang produksyon at distribusyon ay magka-kambal upang maiwasan itong suliraning pang-ekonomiya ng bansa. Ang KITA ay dapat na kaakibat nito upang matamo ng tao ang kapakinabangan dito.

    Ang mga tanong na dapat sagutin sa Produksyon ay ang mga sumusunod: 1. Ano ang produktong gagawin? 2. Paano gagawin ang mga produkto? 3. Gaano karami ang produktong gagawin?

    Ang mga tanong na dapat sagutin sa Distribusyon ay ang mga sumusunod: 1. Para kanino ang produktong gagawin? 2. Paano ipamamahagi ang mga produkto?


  2. ang kakapusan ay ang pagiging limitado ng isang bagay o ng likas na yaman ito ay dapat na sinusulusyonan ng kinauukulan
    samantala ang kakulangan naman ay ang panandaliang kawalan ng likas nating yaman o ng isang bagay na kung minsan naman ay itinatago lamang o kung tawagin ay artipisyal na kakulangan dito ay tinatago lamang ang mga suplay upang hitayin ang pagtaas ng presyo nito

  3. Ang KAKAPUSAN ay tumutukoy sa katotohanang limitado ang pinagkukunang yaman.
    Ito permanente dahil sanpagkakaroon ng hangganan ng mga likas na yaman.
    Ito ang dahilan kung bakit binibigyang pansin ang tamang paggamit nito,
    Samantala, ang kakulangan ay tumutukoy sa panandaliang kawalan o hindi kasapatan ng pangangailangan. =)

  4. magkaiba sila ng spelling.....

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 4 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.