Question:

Ano ang pinagkaiba ng wika sa panitikan?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

2 ANSWERS


  1. Samu't saring kahulugan ang ipinapatungkol sa panitikan subalit ayon kay Long: " Ang panitikan ay ang nasusulat na tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao. Ito'y ang tinipon at pinagsama-samang karanasan ng tao na pinag-ugnay-ugnay sa mga karapat-dapat at kaibig-ibig na huwaran ng pagpapahayag".


    Ayon naman kay Moises Simbulan: " Ang panitikan ay siyang mabisang kasangkapan upang maitala ang kagandahan ng Sining--ang lambing at lamyos ng musika, mailahad at maipakilala ang tunay na kahulugan ng guhit at kulay ng isang kuwadro ng pintura, maitambad at maipahayag ang mga piping hinagap na taglay ng mga anyo at hugis ng iskultura."


    Samakatuwid, ano ang panitikan? Ano ang ipinagkaiba ng wika sa panitikan?


    Ang wika at panitikan ay may magkatulad na layunin. Ang panitikan ang siyang pinakamatibay na paraan upang mailahad ang kagandahan ng buhay sa pamamagitan ng pagtatala o panitik; ang wika ( gaya rin ng panitikan) ay may layunin na maisatinig ang kagandahan ng sining at ng buhay.


    Kaya, masasabi nating ang panitikan at wika ay walang pagkakaiba maliban sa ang panitikan ay ang pagpapahayag ng kagandahan ng sining-- ng buhay-- sa pamamagitan ng pagtatala habang ang wika ay (madalas) sa pamamagitan ng pagbigkas.


  2. ang wika ito ay inahahayag nag taoang kanyang mga ideya at nararamdaman sa paraang naunawaan ng ibang tao.ang panitikan ito ay  nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 2 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.