Question:

Ano ang ponemang katinig?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

3 ANSWERS


  1. ahm m m m m  .......kung mag aanswers po ka yu yung tama ha!!!!wak lang po baxtah baxtah!!!



                                 isiahmisajon@yahoo.com


  2. ano ang malakin pagkakaiba ng uri ng lipunan sa pilipinas?

  3. Ano ang ponemang katinig?
    In: Panitikan at Wika [Edit categories]

    [Edit]
    [Edit]
    Ponolohya ay ang pag-aaral o pag-uuri-uri sa iba't-ibang makahulugang tunog na ginagamit sa pagsasalita, pagsasama ng mga tunog o ponema.

    Ponemang Segmental ang mga tunay na tunog at ang bawat tunog ay kinakatawan ng isang titik sa ating alpabeto.

    ? Ang Filipino ay may 21 ponemang segmental - 17 sa mga ito ay katinig at lima naman ang patinig.

    ? Mga katinig:
    Panlabi (sounds produced by the lips) - B, P, M
    Pangipin (sounds produced by the teeth) - D, N, T
    Panggilagid (sounds produced by the gums) - L, R, S
    Pangngalangala (sounds produced by the throat) - K, G, Ng, W
    Pasutsot (sounds produced by exhaling) - H
    y, ?
    ? Sa ating palabaybayan ang /?/ ay hindi binigyan ng katumbas na titik. Sa halip, isinama ito sa palatuldikan at tinumbasan ng tuldik na paiwa /'/ sa dahilang ito'y hindi normal na tulad ng ibang ponema.
    ? Mahalaga ang /?/ o tuldik na paiwa /'/ sapagkat nakapagpapaiba ito ng kahulugan ng salita kapag inilagay sa huling pantig ng salitang nagtatapos sa patinig. Ang tawag sa /?/ ay glotal o impit na tunog.
    ? Ang impit na tunog o glotal ay itinuturing na isang ponemang katinig sa Filipino bagama't hindi ito ipinakikita sa ortograpiya ng ating wika. Mahalaga ito sa isang salita sapagkat nakapagbabago ito ng kahulugan ng dalawang salita na pareho ang baybay.
    ? Hal: bata/h/=robe, bata/'/=child

    ? Mga Patinig:
    A, E, I, O, U
    ? Itinuturing ang mga patinig na siyang pinakatampok o pinakaprominenteng bahagi ng pantig. Walang pantig sa Filipino na walang patinig.
    ? Halimbawa:
    ba - hay, ba - ba - e, u - lo, di - la

    B. Suprasegmental - Nagbibigay lasa sa mga segmental

    • Tono - pagtaas at pagbaba sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa ang ating pakikipagtalastasan.
    • Diin - tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita
    -ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay nakapagbabago sa kahulugan nito.
    Halimbawa:
    1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
    2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing /laMANG/siya.
    • Haba - haba ng bigkas sa patinig ng pantig
    Ginagamit ang ganitong notasyon /./ at /:/ na siyang nagsasaad ng kahulugan ng salita
    1. Likas na haba
    Halimbawa:
    a. /asoh/ - usok
    /a:soh/ - isang uri ng hayop
    b. /pitoh/ - bilang na 7
    /pi:toh/ - silbato
    2. Panumbas na haba
    a. /'aywan/ - /e.wan/ c. /tayo nah/- /te.nah/
    b. /taingah/ - /te.nga/ d. /kaunti/ - /kon.ti/

    3. Pinagsama na haba
    a. magsasaka = /magsasa : ka/ = magbubukid
    magsasaka = /magsa . sa : ka/ = magtatanim
    b. Mananahi = /manana : hi/ = modista
    mananahi = /mana . na : hi/ = magtatabas at bubuo ng kasuotan.
    • Antala - saglit na pagtitigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang paghahatid ng mensahe.
    Ang hinto ay paghahati ng salita na gumagamit ng sumusunod na mga pananda.
    Panloob
    a. Maikling hinto: /I/=, (kuwit), /+/= isang krus na pananda
    b. Mahabang hinto: ;=tuldok-kuwit, :=tutuldok, _______=isang mahabang guhit, //=dalawang guhit pahilis, >=palaso, -=gitling, …=tulduk-tuldok.
    ? Halimbawa:
    1. Padre, Martin, ang tatay ko. (Ipinakikilala mo ang iyong ama sa isang pari at sa kaibigan mo.)
    2. Hindi, si Cora ang may sala. (ipinaalam na si Cora ang may kasalanan.
    3. Magalis (puno ng galis)
    mag-alis (maghubad, magtanggal at iba pa)

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 3 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions