Question:

Ano ang tagalog na dasal ng angelus?

by  |  earlier

2 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

1 ANSWERS


  1. Namumuno: Binati ng Anghel ng Diyos si Santa Maria.

    Sagot: At naglihi siya lalang ng Espirito Santo

    N: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus

    S: Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen.

    N: Narito ang alipin ng Panginoon

    S: Ganapin sa akin ayon sa Wika Mo

    N: Aba Ginoong Maria….

    S: Santa Maria, Ina ng Diyos….

    N: At ang Verbo ay nagkatawang tao,

    S: At nakipamayan sa atin.

    N: Aba Ginoong Maria….

    S: Santa Maria, Ina ng Diyos….

    N: Ipanalangin mo kami, O Sanntang Ina ng Diyos,

    S: Nang kami'y maging dapat magkamit ng mga pangako ni Hesukristong Panginoon.

    N: Manalanging tayo:

    Panginoong aming Diyos, kasihan Mo nawa ang aming mga kaluluwa ng Iyong Mahal na grasya at yayamang dahilan sa pamamalita ng Anghel ay nakilala namin ang Pagkakatawang Tao ni Hesukristong Anak Mo, pakundangan sa Mahal Niyang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus ay papakinabangin Mo kami ng kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian sa Langit. Alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin. Amen.

    N: Luwalhati sa Ama, Sa Anak, At sa Diyos Espiritu Santo. (3x)

    S: Kapara noong unang-una, Ngayon at magpakailanman. Amen. (3x

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 1 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.