1.Ang sistema ng tala ng pamilya (Koseki Seido)
Sa bansang Hapon, ang ukol sa isang tao na tulad ng pagkapanganak, pagkamatay, paga-asawa at iba pang importanteng information ay tinatala Ang mga dayuhan nakatira sa bansang Hapon, kinakailangang sumunod din sa batas ng Tala ng pamilya (koseki ho). Certification ng rehistro ay dapat pagingatan at ilagay sa ligtas na lugar, dahil ito ay siyang gagamitin upang magpatunayan ang katauhan ng kinauukulang tao. Kapag may ipinanganak o may namatay, ipabigay-alam din sa pamahalaan ng inyong bansa. Ang paraan ng pagbigay-alam sa pamahalaan ng inyong bansa ay maaaring itanong sa embahada o sa konsulado.
(1) Pagpatala ng panganganak
Ito ay ang pagpatala ng ipinanganak na sanggol sa munispyo ng inyong munisipalidad sa oras na manganak. Ang mga dayuhan nakatira sa bansang Hapon, kinakailangang sumunod din sa batas ng tala ng pamilya at ipagbigay-alam kapag may ipinanganak sa bansang Hapon. Besides filing the registration of the birth, the baby must also be registered as an alien and receive a resident status (zairyu shikaku). This should be done at the same time as the registration of the birth. Maliban sa pagpatala ng panganganak, kailangang ng ipinanganak na sanggol ang Tala ng Dayuhan , at ng pahintulot upang manirahan dito (zairyu shikaku). Isagawa ang mga ito sabay ng pagpatala ng panganganak.
Kapag may ipinanganak, ipabigay-alam din sa pamahalaan ng inyong bansa. Ang paraan ng pagbigay-alam sa pamahalaan ng inyong bansa ay maaaring itanong sa embahada o sa konsulado.
(1) Palugit sa pagpapatala: sa loob ng 14 na araw mula sa araw ng panganganak
(2) Magsasagawa ng pagpapatala: ang ama o kaya ang ina
(3) Lugar ng pagpapatala: sa munisipyo ng ipinanganakang lugar, ng tinitirahang lugar o kaya sa lugar kung saan naka-tala ang inyong pamilya.
(4) Mga kinakailangang papeles:
①
Sertipiko ng pagpatala ng panganganak (shusei todoke sho) (Makukuha ito sa munispyo o minsan mayroon din sa ospital.)
② Birth Certificate (shusei shomei sho) (Ang sinulat sa form ng pagpatala ng panganganak, na pagpatunay ng doktor o kaya ng midwife noong nanganak)
③ Ang selyo ng pangalan ng taong magsasagawa ng pagpatala (inkan) (Kung walang selyo, maaari na rin ang kanyang pirma)
④ Buklet para sa pagtala ng kalusugan ng ina at sanggol (boshi kenko techo) (Ang buklet na ito ay matatanggap sa munisipyong sakop ang inyong tirahan sa oras na kayo ay mabuntis at ipabigay-alam ang pagbubuntis.)
⑤ National Health Insurance Card (kokumin kenko hoken sho) (para sa mga kasapi.)
(5) Patunay ng Pagpatala ng Panganganak (shusei todoke juri shomei sho): Papeles na nagpapatunay na ang pagkapanganak ay napatala.
(2) Pagpatala ng pagkamatay
Ito ay ang pagpatala sa munispyo ng inyong munisipalidad sa oras na may namatay.
Ang mga dayuhan nakatira sa bansang Hapon, kinakailangang sumunod din sa batas ng tala ng pamilya at ipagbigay-alam kapag may namatay sa bansang Hapon.
Maliban sa pagpatala ng pagkamatay, kailangang ibalik sa munisipyo ang Alien Registration Card (gaikokujin toroku shomei sho) should be returned to the municipal office (Kung maaari sana ito ay sabay na isagawa.). Kapag may namatay, ipabigay-alam din sa pamahalaan ng inyong bansa. Ang paraan ng pagbigay-alam sa pamahalaan ng inyong bansa ay maaaring itanong sa embahada o sa konsulado.
(1) Palugit sa pagpapatala: sa loob ng 7 araw mula sa araw na malaman ang pagkamatay. Ipatala bago gawin ang cremation.
(2) Ang maaaring magsagawa ng pagpapatala: magulang, kasama sa tirahan
(3) Lugar ng pagpapatala: sa munisipyo ng kinamatayang lugar, o ng tinitirahang lugar.
(4) Mga kinakailangang papeles:
①
Sertipiko ng pagpatala ng pagkamatay (shibo todoke sho) (Makukuha ito sa munispyo o minsan mayroon din sa ospital.)
② Death Certificate (shibo shindan sho) (the Notification of Death Form (shibo todoke sho) Ang sinulat sa form ng pagpatala ng pagkamatay na pagpatunay ng doktor ng pagkamatay.)
③ Ang selyo ng pangalan (inkan) ng taong magsasagawa ng pagpatala (Kung walang selyo, maaari na rin ang kanyang pirma)
(3) Pagpatala ng kasal
Ito ay ang pagpatala sa munispyo ng inyong munisipalidad sa oras na magpakasal.
Ang mga dayuhan nakatira sa bansang Hapon, kinakailangang sumunod din sa batas ng tala ng pamilya. Hindi makakamit ng isang dayuhan ang pagkamamamayan sa bansang Hapon sa pagpatala ng kasal. Gayundin, hindi makakamit ng isang Hapon ang pagkamamamayan sa ibang bansa sa pagpatala ng kasal. Sa kasong ikinasal sa isang Hapon at nais palitan (zairyu shikaku) ang uri ng pahintulot sa may asawang hapon (nihonjin no haigusha) upang manirahan dito, sumangguni lamang sa tanggapan ng imigrasyon na sakop ang inyong lugar. Ipabigay-alam din sa pamahalaan ng inyong bansa ang inyong kasal. Ang paraan ng pagbigay-alam sa pamahalaan ng inyong bansa ay maaaring itanong sa embahada o sa konsulado. Ang mga kinakailangan upang maayos ang kasal ay nagiiba sa bawat bansa. Kailangan ihanda ang mga kinakailangang papeles ayon sa batas ng kanya-kanyang bansa, ang mga Hapon ayon sa batas ng bansang Hapon, ang dayuhan ayon sa batas ng sariling bansa.
(1) Palugit sa pagpapatala: hindi sapilitan
(2) Registration applicant: Ang maaaring magsagawa ng pagpapatala: ang dalawang magpapakasal
(3) Lugar ng pagpapatala: sa munisipyo ng tinitirahang lugar o kaya sa lugar kung saan naka-tala ang pamilya (honseki) ng isa sa ikakasal.
(4) Mga kinakailangang papeles:
①
Sertipiko ng Pagpatala ng Kasal (konin todoke sho) (Makukuha ito sa munispyo ng inyong munisipalidad. Kinakailangan ng sertipikong ito ang pirma o ang tatak ng selyo ng pangalan ng dalawang taong nasa hustong gulang na tatayong saksi.)
② Sertipiko sa Pagtupad ng mga Kinakailangan sa Pagpakasal (konin yoken gubi shomei sho) (Papeles na nagpapatunay na lahat ng kinakailangan upang ikasal ay natupad.
Makukuha ito sa embahada o sa konsulado. Kung ito ay nakasulat sa wikang dayuhan, kailangang samahan ng salin sa wikang Hapon na gawa ng isang tagapagsalin.)
③ Ang selyo ng pangalan ng taong magsasagawa ng pagpatala (Kung walang selyo, maaari na rin ang kanyang pirma)
④ Dokumentong makakapagtunay ng nasyonalidad (tulad ng pasaporte)
(4) Pagpatala ng diborsiyo
Ito ay ang pagpatala sa munispyo ng inyong munisipalidad sa oras na mag-diborsiyo.
Ang mga dayuhan nakatira sa bansang Hapon, kinakailangang sumunod din sa batas ng tala ng pamilya at ipagbigay-alam kapag nag-diborsiyo sa bansang Hapon.
Ang paraan ng pagbigay-alam sa pamahalaan ng inyong bansa ay maaaring itanong sa embahada o sa konsulado. Ang mga kinakailangan upang maayos ang diborsiyo ay nagiiba sa bawat bansa. Kailangan ihanda ang mga kinakailangang papeles ayon sa batas ng kanya-kanyang bansa, ang mga Hapon ayon sa batas ng bansang Hapon, ang dayuhan ayon sa batas ng sariling bansa.
(1) Palugit sa pagpapatala: hindi sapilitan (Sa loob ng 10 araw matapos ibigay ang hatol, kung ang diborsiyo ay dumaan sa pamamagitan ng tagapaghatol, o sa hukom)
(2) Ang maaaring magsagawa ng pagpapatala: ang mag-asawa (Ang nagsampa ng sakdal, kung ang diborsiyo ay dumaan sa pamamagitan ng tagapaghatol,)
(3) Lugar ng pagpapatala: sa munisipyo ng tinitirahang lugar ng isa sa magdi-diborsiyo o kaya sa lugar kung saan naka-tala ang pamilya.
(4) Mga kinakailangang papeles:
①
Sertipiko ng pagpatala ng diborsiyo (rikon todoke sho) (Makukuha ito sa munispyo ng inyong munisipalidad. Kinakailangan ng sertipikong ito ang pirma o ang tatak ng selyo ng pangalan ng dalawang taong nasa hustong gulang na tatayong saksi.)
② Residence Certificate (jumin hyo)
③ Pasaporte
④ (Genpyou Kisaijikou Shoumeisho)(kailangang magpatala bilang dayuhan sa Munisipyo)
2.Selyo ng pangalan, Tala ng selyo ng pangalan
○ Selyo ng pangalan (Inkan)
Sa bansang Hapon, kapag may mga kinukuha sa munisipyo, tumatanggap ng mga mahalagang bagay na nakatalang padala sa post office, tumatanggap ng mga maliliit na bagay na padala sa mga pribadong mensahero, ginagamit ang selyo ng pangalan sa halip ng pirma kung sa ibang bansa. Ang karaniwan na ginagamit para sa mga ganitong kaso ay ang maliit na selyong tinatawag na [mitomein].
○ Selyong nakatala (jitsu in) and Sertipiko ng selyo (inkan shomei sho)
Ang selyo ng pangalang ipinatala sa munisipyo ng isang munisipalidad ay tinatawag na [jitsuin(selyong nakatala)]. Ang selyo ng pangalang ipinatala sa munisipyo ng isang munisipalidad ay tinatawag na [jitsuin(selyong nakatala)].
Ang pagpapatala ay isinasagawa sa munisipyo ng inyong munisipalidad.
Ukol sa pagpatala ng inyong selyo, magtanong sa kaunter ng talaan ng selyo o kaya sa talaan ng mga dayuhan. Ang dokumentong nagpapatunay na ang inyong selyo ay nakatala ay tinatawag na [Inkan Shoumeisho (Sertipiko ng Selyo)]. Kapag ginamit ang selyong nakatala, sinasamahan ng sertipiko ng tala ng selyo upang mapatunayan na ang ginamit na selyo ay nakatala. Sa bansang Hapon, kinakailangan ang [Jitsuin (Selyong Nakatala)] at [Inkan Shoumeisho (Sertipiko ng Selyo)] sa mga malalaking kasunduan tulad ng pagbili ng lupa at bahay, o kaya sasakyan
○ Pagpatala ng selyo ng pangalan
Ang pagpapatala ng selyo ng pangalan ay isang napakahalagang sistema upang mapangalagaan ang sariling mga ari-arian at karapatan.
(1) Ang maaaring magpatala ng selyo ng pangalan
Sinumang higit sa 15 taong gulang, mamamayan, dayuhan nanakatala, nakatala sa permanenting tinitirhan na lugar sa munisipalidad ay maaaring magpatala ng selyo.
(2) Paraan ng pagtala:
Sa kasong ang taong kinauukulan ang siyang sariling magpapatala, matatala din sa araw na iyon kapag dala ang ipapatalang selyo at ang Sertipiko ng Pagpatala bilang isang Dayuhan (Gaikokujin Toroku Shoumeisho).
Maaari ring magpatala na gamit ang isang kinatawan.
(3) Pagtatala ng Pirma:
May kaso ring maaaring ipatala ang sariling pirma (sulat ng kinakatawan) sa halip ng selyo.
○ Kard ng tala ng selyo ng pangalan (Inkan Toroku Sho)
Kapag magpatala ng selyo, ang Kard ng tala ng selyo ng pangalan (inkan toroku sho) ay matatanggap. Kung ang may ari o ang kanyang kinatawan ay ipinakita ito sa opisyal ng munisipyo, pweding hilingin ang kopya ng Sertipiko ng Pagpatala ng Selyo (inkan shomei sho).
Report (0) (0) |
earlier