5 LIKES LikeUnLike
Tags:
1. Kasiningan sa paglalahad
- nagiging masining ang paglalahad sa pamamagitan ng paggamit ng mga transisyonal na panalita sa retorika tulad ng mga salawikain, kasabihan, kawikaan, sawikain, at tayutay.
2. Kapangyarihang makapagbigay ng saya o lugod
- ang mga likhang pahayag ng manunulat at tagapagsalita ay nagbibigay kasiyahan. Makapangyarihan ang wika sa mga larang na ito. Kaya nitong makapagpaluha sa tuwa sa sinumang nalulumbay.
3. Mapagkunwari o mapagmalabis na paggamit ng wika
- Kaugnay ng unag katangian, sa ilalim ng mga tayutay, malimit na gawin bahagi ng pahayagang personipikasyon at hyperbole. Nilalayon nitong tumalo mula sa realidad patungo sa mapaglarong mundo ng imahinasyon ng awdyen. Nakadadala ng damdamin ang ganitong mga pahayag. Nakadaragdag pa ito ng kulay at nagbibigay ng ibayong kahulugan sa batayang salita.
4. Kasiningan sa tuluyan (prosa) at panulaan (poesiya)
- kaugnay pa rin ng unang bilang, kakikitaan ng mga idyoma at tayutay ang mga retorikang pahayag. Isang buhay na patotoo nang maituturing na sa likod ng matatagumpay na akdang pampanitikan ay may malaking bahagi ang suntok at dating na hatid ng mga nabanggit na matalinghagang pahayag. Sumasang-ayon dito si Fernando Monleon na nagsuri at nagtukoy ng mga tayutay sa Florante at Laura.
5. Kaangkupan at katiyakan sa paggamit n g wika sa pagpapahayag
- Epektibo ang retorika kung palaging kaagapay nito sa pagbuo ng pahayag ang balarila o grammar. Hindi lamang sapat na maganda at matalinghaga ang pahayag, mahalagang nauunawan ang mga salitang ginamit. Isaalang-alang ang tama at angkop na pagpili ng mga salita para maging matagumpay ang pagtatawid ng mensahe sa mga mambabasa at tagapakinig.
Report (2) (0) | 10 years, 2 month(s) ago
Report (0) (2) | earlier
Report (1) (3) | earlier
Latest activity: 10 years, 2 month(s) ago. This question has 3 answers.