Question:

Anong klaseng panitikan meron tayo bago dumating ang mga kastila?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

6 ANSWERS


  1.  ang klase pag marunong 


    matuto ang guro


    kung wala namang balong


    magiisip ang puso


     


     


     


     


  2.  prosa at panulaan


  3. Tulad ng maraming dayuhang kabihasnan ang panitikan ng Pilipinas ay nagmula sa mga magkakaibang lipon ng tao na may panahong pagkaka-agwat.na dumating. Ang mga unang tao na dumating sa Pilipinas ay ang mga Negrito o Aeta. Sumunod naman ang grupong Indones at mga Malay. Dahil dito ang sinaunang kabihasnan ay may sarili nang sistema ng pagsulat at pasalita. Ang unang ebidensiya na mayroon nang sariling panitikang pagsulat ang mga pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang taga-kanluran ay ang Baybayin na binubuo ng tatlong patinig at 14 na katinig. Ang mga simbolong ito ay nakasulat sa mga dahon at balat ng mga punong-kahoy na ang gamit naman sa pag-ukit ay ang mga matutulis na bato at kahoy din. Mayroon na ring panitikan na pasalita ang mga sinaunang tao. Ang panitikang pasalita ay may anyong panulaan, tuluyan, at dula.
    Ang panulaan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain at kasabihan, tanaga, tulang pambata, bulong, awiting bayan, at epiko. Ang mga ito'y nakasulat din ngunit ng dumating ang mga Kastila marami ang sinunog na mga literatura at saka dahil marami ang nakasulat sa mga kahoy at dahon ito ay natunaw pagkalipas ng maraming taon. Bagamat magkakaiba ang lengguaheng gamit ng mga sinaunang tao ang kanilang panitikan ay may iisang mensahe at layunin.
    Ang Bugtong. Ang unang layunin ng bugtong ay magbigay kasiyahan sa mga tagapakinig at ng mga manlalaro. Kahit simple ang estraktura dito nasusukat ang talino at kaalaman tungkol sa bayan.

    Halimbawa:
    Baston ni Kapitan
    Hindi mahawakan Ahas
    Bumili ako ng alipin
    Mataas pa sa akin Sumbrero

    Hindi lapis
    Hindi ballpen
    Nagsusulat ng eleven Sipon

    Ang Salawikain at Kasabihan. Ang salawikain at ang kasabihan ay nagpapakita ng asal, moralidad, at pag-uunawa sa ating mga ninuno. Ang salawikain ay nagbibigay aral at ang kasabihan ay nagbibigay unawa sa mga pang-araw araw na gawain (Talindaw, p.3).
    Halimbawa: Salawikain
    Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
    Hindi makakarating sa paroroonan.

    Ang taong nagigipit,
    Sa patalim man ay kumakapit.

    Kasabihan

    Saan mang gubat
    Ay may ahas.

    Kung ano ang itinaas-taas,
    Siyang binaba-baba sa pagbagsak.

    Ang Tanaga. Ang tanaga ay naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan (Talindaw, p.3). Ito ay may estrukturang apat na taludtod at pitong pantig sa iisang saknong. Halimbawa:

    Magdalita ang niyog,
    Huwag magpakatayog;
    Kung ang uwang ay umuk-ok
    Masasaid pati ubod.

    Ang Tulang Pambata. Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng ating mga ninuno. Ito rin ay nagpapahayag at nagpapa-alala sa mga maliligayang karanasan noong sila'y bata pa. Halimbawa:
    Putak, putak!
    Batang duwag!
    Matapang ka't nasa pugad!

    Ang Bulong. Ang ating mga ninuno ay naniniwala rin sa mga di nakikitang espirito gaya ng mga lamang lupang espirito tulad ng mga duwende. Ang ating mga ninuno ay humihingi ng ng pasintabi at paumanhin sa mga ito upang hindi sila mapahamak sa mga masasamang pangyayari. Halimbawa:
    Tabi, tabi po, Ingkong
    Makikiraan po lamang.

    Bari-bari Apo
    Umisbo lang ti tao. (Ilokano)

    Ang Awiting-Bayan. Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may pinakamalawak na paksa at uri. Ang mga paksa nito'y nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon, at kabuhayan. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng ibaìt ibang uri nito, isa ang talindaw. Ang talindaw ay awit sa pamamangka. Ikalawa, ang Kundiman ito ay awit sa pag-ibig. Ikatlo, ang Kumintang ito ay awit sa pakikidigma. Ikaapat, ang Uyayi o Hele ito ay awit na pampatulog ng sanggol. Nabibilang rin dito ang Tigpasin, awit sa paggaod; ang Ihiman, awit sa pangkasal; ang Indulain, awit ng paglalakad sa lansangan at marami pang iba. Halimbawa:
    Talindaw

    Sagwan, tayoy sumagwan
    Ang buong kaya'y ibigay.
    Malakas ang hangin
    Baka tayo'y tanghaliin,
    Pagsagwa'y pagbutihin.

    Oyayi o Hele

    Matulog ka na, bunso,
    Ang ina mo ay malayo
    At hindi ka masundo,
    May putik, may balaho.

    Ang Epiko. Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Ito ay tungkol sa mahiwagang pangyayari at kabayanihan ng isang mamamayan. Ang katangian na makikita sa epiko ay ang pagkakaroon ng kaisahan na banghay, mabilis na aksiyon, paggamit sa mga istorying kababalaghan, at ng nakatitinag-damdamin at dakilang paksa (Talindaw,p.6). Ang ating mga ninuno ay naglayong gamitin ang epiko para pangritwal. Ipangaral sa mamamayan ang kani-kanilang mga tungkulin sa sambayanan. Ang mga sumusunod ay mga iba't ibang epikong galing sa iba't ibang tribo: una; ang epikong Biag ni Lam-ang ay galing sa mga Ilokano. Ang epikong ito'y akda ni Pedro Bukaneg na taga-Abra na naging dalubhasa sa samtoy (Ilokano) at Kastila. Pangalawa; ay ang Maragtas na galing sa Panay..
      hoped it helped..! :D

  4. Tulad ng maraming dayuhang kabihasnan ang panitikan ng Pilipinas ay nagmula sa mga magkakaibang lipon ng tao na may panahong pagkaka-agwat.na dumating. Ang mga unang tao na dumating sa Pilipinas ay ang mga Negrito o Aeta. Sumunod naman ang grupong Indones at mga Malay. Dahil dito ang sinaunang kabihasnan ay may sarili nang sistema ng pagsulat at pasalita. Ang unang ebidensiya na mayroon nang sariling panitikang pagsulat ang mga pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang taga-kanluran ay ang Baybayin na binubuo ng tatlong patinig at 14 na katinig. Ang mga simbolong ito ay nakasulat sa mga dahon at balat ng mga punong-kahoy na ang gamit naman sa pag-ukit ay ang mga matutulis na bato at kahoy din. Mayroon na ring panitikan na pasalita ang mga sinaunang tao. Ang panitikang pasalita ay may anyong panulaan, tuluyan, at dula.
    Ang panulaan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain at kasabihan, tanaga, tulang pambata, bulong, awiting bayan, at epiko. Ang mga ito'y nakasulat din ngunit ng dumating ang mga Kastila marami ang sinunog na mga literatura at saka dahil marami ang nakasulat sa mga kahoy at dahon ito ay natunaw pagkalipas ng maraming taon. Bagamat magkakaiba ang lengguaheng gamit ng mga sinaunang tao ang kanilang panitikan ay may iisang mensahe at layunin.
    Ang Bugtong. Ang unang layunin ng bugtong ay magbigay kasiyahan sa mga tagapakinig at ng mga manlalaro. Kahit simple ang estraktura dito nasusukat ang talino at kaalaman tungkol sa bayan.

    Halimbawa:
    Baston ni Kapitan
    Hindi mahawakan Ahas
    Bumili ako ng alipin
    Mataas pa sa akin Sumbrero

    Hindi lapis
    Hindi ballpen
    Nagsusulat ng eleven Sipon

    Ang Salawikain at Kasabihan. Ang salawikain at ang kasabihan ay nagpapakita ng asal, moralidad, at pag-uunawa sa ating mga ninuno. Ang salawikain ay nagbibigay aral at ang kasabihan ay nagbibigay unawa sa mga pang-araw araw na gawain (Talindaw, p.3).
    Halimbawa: Salawikain
    Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
    Hindi makakarating sa paroroonan.

    Ang taong nagigipit,
    Sa patalim man ay kumakapit.

    Kasabihan

    Saan mang gubat
    Ay may ahas.

    Kung ano ang itinaas-taas,
    Siyang binaba-baba sa pagbagsak.

    Ang Tanaga. Ang tanaga ay naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan (Talindaw, p.3). Ito ay may estrukturang apat na taludtod at pitong pantig sa iisang saknong. Halimbawa:

    Magdalita ang niyog,
    Huwag magpakatayog;
    Kung ang uwang ay umuk-ok
    Masasaid pati ubod.

    Ang Tulang Pambata. Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng ating mga ninuno. Ito rin ay nagpapahayag at nagpapa-alala sa mga maliligayang karanasan noong sila'y bata pa. Halimbawa:
    Putak, putak!
    Batang duwag!
    Matapang ka't nasa pugad!

    Ang Bulong. Ang ating mga ninuno ay naniniwala rin sa mga di nakikitang espirito gaya ng mga lamang lupang espirito tulad ng mga duwende. Ang ating mga ninuno ay humihingi ng ng pasintabi at paumanhin sa mga ito upang hindi sila mapahamak sa mga masasamang pangyayari. Halimbawa:
    Tabi, tabi po, Ingkong
    Makikiraan po lamang.

    Bari-bari Apo
    Umisbo lang ti tao. (Ilokano)

    Ang Awiting-Bayan. Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may pinakamalawak na paksa at uri. Ang mga paksa nito'y nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon, at kabuhayan. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng ibaìt ibang uri nito, isa ang talindaw. Ang talindaw ay awit sa pamamangka. Ikalawa, ang Kundiman ito ay awit sa pag-ibig. Ikatlo, ang Kumintang ito ay awit sa pakikidigma. Ikaapat, ang Uyayi o Hele ito ay awit na pampatulog ng sanggol. Nabibilang rin dito ang Tigpasin, awit sa paggaod; ang Ihiman, awit sa pangkasal; ang Indulain, awit ng paglalakad sa lansangan at marami pang iba. Halimbawa:
    Talindaw

    Sagwan, tayoy sumagwan
    Ang buong kaya'y ibigay.
    Malakas ang hangin
    Baka tayo'y tanghaliin,
    Pagsagwa'y pagbutihin.

    Oyayi o Hele

    Matulog ka na, bunso,
    Ang ina mo ay malayo
    At hindi ka masundo,
    May putik, may balaho.

    Ang Epiko. Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Ito ay tungkol sa mahiwagang pangyayari at kabayanihan ng isang mamamayan. Ang katangian na makikita sa epiko ay ang pagkakaroon ng kaisahan na banghay, mabilis na aksiyon, paggamit sa mga istorying kababalaghan, at ng nakatitinag-damdamin at dakilang paksa (Talindaw,p.6). Ang ating mga ninuno ay naglayong gamitin ang epiko para pangritwal. Ipangaral sa mamamayan ang kani-kanilang mga tungkulin sa sambayanan. Ang mga sumusunod ay mga iba't ibang epikong galing sa iba't ibang tribo: una; ang epikong Biag ni Lam-ang ay galing sa mga Ilokano. Ang epikong ito'y akda ni Pedro Bukaneg na taga-Abra na naging dalubhasa sa samtoy (Ilokano) at Kastila. Pangalawa; ay ang Maragtas na galing sa Panay..
      hoped it helped..! :D

  5. 2long nmn po plzzz

  6. anung panitikan meron tau bago dumating ang mga kastila

Question Stats

Latest activity: 10 years, 11 month(s) ago.
This question has 6 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions