Question:

Anu ano ang mga halimbawa ng morpema?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

1 ANSWERS


  1. may tatlong anyo ang morpema ang morpemang salitang-ugat,ang morpemang panlapi,at ang morpemang binubuo ng isang ponema.

    1.Morpemang salitang-ugat-ito ay binubuo ng salitang walang kasamang panlapi.Ito ay salitang payak.tinatawag din itong malayang ,morpema.

    2.Morpemang panlapi-ito ay may taglay na kahulugan sa sarili.Ngunit tinatawag ang ganitong morpema na di-malayang morpema.Hindi sila makakatayo sa kanilang sarili.kinakailangan pa itong samahan ng isang malayang morpema upang magkaroon ng ganap na kahulugan.Iba-ibang posisyon ang kinakalagyan ng panlapi sa salita kaya may iba-ibang uri din ng panlapi ayon sa posisyon nila sa loob ng salita.


      Unlapi-kapag inilalagay sa unahan ng salita.
      Hal.
          magbasa,umibig,paalis,makahuli.

      Gitlapi-kapag nakalagay sa loob ng salita.
      Hal.
          sumayaw,lumakad,sinagot,ginawa.

      Hulapi-kapag nakalagay sa hulihan ng salita.
      Hal.
          ibigin,sulatan,sabihan,gabihin.

      Kabilaan-kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa unahan at ang isa nasa hulihan ng salita.
      Hal.
          mag-awitan,paalisin,kaibigan,kadalagahan.

      Laguhan-kapag makikita ang mga panlapi sa unahan,gitna,at hulihan ng salita.
      Hal.
          magdinuguan,pagsumikapan,ipagsumigawan.

    3.Morpemang binubuo ng isang ponema-makikita sa mga sumusunod na
      halimbawa.
          doktor-doktora,abogado-abogada.

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 1 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.