Question:

Anu-ano ang mga halimbawa ng talumpati na tungkol sa tema ng buwan ng wika?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

6 ANSWERS


  1.  


    ang ________________ay _____________________           -yun  gets mo na ?


  2. ang ________________ay _____________________           -yun  gets mo na ?


  3. sa may

  4. nakikipagkomunikasyon ng mga tao sa sariling wika upang magkaunawaan?

  5. ang magkakaisa ng bawat pilipino.

  6. Wika Mo, Wikang Filipino, Wika ng Mundo, Mahalaga!
    Nina Dr. Magdalena R. Japson at William P. Nucasa

       Ang talumpating ito ay binigkas ni Dr. Magdalena R. Japson ng Saint Louis College (SLC), San Fernando City, nang maging panauhing-pandangal sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ng Don Mariano Marcos Memorial State University-South La Union Campus (DMMMSU-SLUC) noong Agosto 29, 2008.
       Ang talumpati, sinulat ni Dr. Japson, ay in-edit ni G. William P. Nucasa, guro ng wika sa SLC.
    Sa pinagpipitaganang pangulo ng unibersidad; sa mga namumuno sa iba’t ibang departamento; sa aking mga kapatid sa propesyon, mga ka-guro, na naglilingkod sa pamantasang ito; sa mga minamahal na magulang at mga mag-aaral; sa mga kapwa ko panauhin… isang napakagandang umaga sa ating lahat.
    Karangalang tunay ng sinuman ang maanyayahang maging panauhing-pandangal ng DMMMSU-SLUC sa kanyang pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
    BUWAN NG WIKA. Katulad nating mga PILIPINO sa paghahanap ng ating kasarinlan, marami ring pinagdaanang hirap ang FILIPINO bago naging Wikang Pambansa natin. Katunayan, magpahanggang ngayo’y nakasunod pa rin sa kanya ang anino ng ilang suliraning pangwika na sintanda na ng panahon. Naroon na ang mga katanungang ito sa mula’t mula pa:
    Sa Panahon ng Kastila… Kastila ba o Tagalog?
    Sa panahon ng Amerikano… Ingles ba o Tagalog?
    At sa kasalukuyan… Pilipino ba o Filipino? Filipino o Ingles?
    Sa mga ang nais ay gamitin ang kinagisnang wika, marahil, ang tanong ay: Ilokano ba o Cebuano? Tagalog o Bisaya?
    Ilan lamang ito sa mga tanong na ang kasagutan ay sinisikap ipaunawa ng maraming dalubwika at linggwista ng Wikang Filipino. Mga tanong na hanggang ngayon ay tinatalakay at pinagtatalunan ng mga karaniwang tao, ng mga propesyunal at pati ng ating mga mambabatas.
    Dati ay LINGGO NG WIKA. Ngunit sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1041 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ay lumawig ito, naging isang buwan. Kaya ang mayroon ngayon ay Buwan ng Wikang Filipino o Buwan ng Wikang Pambansa. Ito ang ating ipinagdiriwang ngayon. Naririto tayo— sa ibabaw ng lahat, upang magbigay-pugay sa ating Wikang Pambansa.
    Sa taong ito, ang tema ng pagdiriwang ay (Basahin po natin): Wika Mo, Wikang Filipino, Wika ng Mundo, Mahalaga!
    Mga kaibigan, nawa’y napansin ninyo na tatlo ang wikang tinutukoy rito: 1.) wika mo 2.) Wikang Filipino at 3.) wika ng mundo. Ang bawat isa ay may sariling gampanin. Ang bawat isa ay napakahalaga!
    Ating isa-isahin—
    UNA, ang tanong ay:  ano ang wika mo?
    Pakitanong nga po ang inyong katabi kung ano ang wikang karaniwang ginagamit niya.
    ILOKANO. PANGGALATOK. KAPAMPANGAN. Sa terminong panlinggwistika, iyan po ang dayalekto. At ilan lamang po ang mga binanggit ninyo sa napakaraming dayalekto sa ating bansa.  “Ania ti nagan mo?” “Antoy ngaran mo?” “Nanong lagyo mo?” Ang dayalekto ang unang wika mo. Una mong nasambit gamit nito ang mga salitang nanang, tatang, ading, manang, manong…
    Ito ang wikang ginagamit mo nang may lambing sa mga kasambahay mo. Sa wikang ito mo malayang naipapahayag ang iyong damdamin. Ito rin ang wika na ginamit ng iyong guro noong mahirap mong maintindihan ang kanyang itinuturo. Samakatwid, ito ang wikang una mong natutuhan, ang wikang madali mong naunawaan at binigkas…taal sa iyo. Ito ang wikang nasa iyong sistema at kahit saan ka magpunta ay kusa nasasambit kapag may namukhaan kang sa iyong palagay ay ka-dayalekto mo. Ilokano ka? Panggalatok ka? Kapampangan ka? Iyan agad ang tanong mo.
    IKALAWA, Wikang Filipino.
    Sa Artikulo labing-apat, seksyon anim (Art. 14, Sek. 6) ng Saligang Batas ay ganito ang nakasaad: “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nalilinang ito, dapat payabungin at pagyamanin pa batay sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa ibang wika.” (Ang diin ay sa amin.)
    Ito ang wikang itinatadhana ng batas, ang Wikang Pambansa ng Pilipinas— ang Filipino. Ito ang wika ng pamahalaan, ang wika sa pagtuturo, komunikasyon at transaksyon. Patuloy ito sa pagyabong at pag-unlad sapagkat patuloy ito na dumaraan sa proseso ng pagbabago (modernisayon), pagsasapamantayan (istandardisasyon) at pagpapaunlad sa iba pang mga sopistikadong karunungan (intelektwalisasyon).  Ang wikang ito ang tumatatayong tulay kaya natutugunan nating mga Pilipino ang ating mga pangangailangan. Ang wikang ginagamit ng madla, pinag-aaralan sa mga paaralan at ginagamit sa ating panitikan. Ang wikang daluyan sa pagpapahayag ng damdamin ng sambayanan— ang wikang bumibigkis sa ating mga Pilipino.
    IKATLO, wika ng mundo.
    Hayaan ninyong ipagpatuloy kong basahin ang isinasaad ng ating Saligang Batas. Sa seksyon bilang pito (Sek. 7) ay ganito naman ang nasusulat: “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang wikang opisyal ng Pilipinas ay FILIPINO AT INGLES…” (Ang diin ay amin.)
    Opo, itinatadhana ng batas na ang Ingles ay wikang opisyal din natin. Sa aking pananaw, ang pagtataguyod sa paggamit ng wikang ito ay hindi nangangahulugan ng pagkawala ng ating diwang nasyonalismo. Gusto kong linawin na ang diwa ng nasyonalismo ay wala sa higpit ng paggamit ng wikang Filipino. Bagkus, ang nasyonalismo ay ang busilak na paglalayon na umunlad ang bayan at paggawa ng mabuti sa ikagagaling ng kapwa Pilipino.
    Sa ayaw at sa gusto natin, kailangan po natin ang wikang Ingles. Sapagkat ang kaalaman at kahusayan sa wikang ito ay isa na ngayong pangangailangan.
    May dalawang dahilan akong maibabahagi kung bakit napakahalaga na matutuhan at mataglay natin ang kasanayang sa wikang Ingles. Una, pampersonal. At ikalawa, pangglobal.
    Pampersonal dahil ito ang wikang kailangan upang magampanang mahusay ang ating trabaho, ang ating propesyon. Ikalawa, hindi ito maiiwasang gamitin sa pagtuturo ng agham at iba pang lawak ng karunungan, sa batas, at lalung-lalo na, hindi ito maiiwasang gamitin ng pamahalaan bilang wika ng komunikasyon at  transaksyon.
    Ikalawang dahilan ay pangglobal. Ingles ang medyum sa pandaigdigang kalakalan; Ingles ang medyum sa pakikipag-ugnayan at pagtatatag ng relasyon sa ibang bansa; at Ingles pa rin ang medyum sa imbensyon at teknolohiya.
    Bilang isang bansa na puspusan ang pagsisikap upang makasabay sa pagsulong ng mundo, paano natin maiiwasan ang wikang Ingles? Kailangan natin ito. Inuulit at pamuling binibigyang-diin: ang wikang Ingles ay isa na ngayong pangangailangan.
    NGAYON, mayroon pa bang dapat pagtalunan?
    Ano ang wika mo? Sabi natin kanina, ito ay ang ating dayalekto, ang wikang nakamohon sa lugar kung saan tayo nakatira. Ito ang medyum sa ating pang-araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa sa ating mga pook-pook.
    Ang Wikang Filipino? –Ito ang wikang bumibigkis at kumakatawan sa ating mga Pilipino.
    At ang wika ng mundo? Ito ang wikang Ingles, ang wikang daan para makaya nating mga PILIPINO na harapin ang mundo nang nakataas ang noo.
    Hindi lamang tayo ang bansang may isyu tungkol sa kanyang wika. Marami. At hindi halos tayo nagkakaiba-iba ng usaping kinakaharap. Gayunman, nagkakaisa tayo sa pag-iisip at sa saloobing ang wika ay biyaya ng Maykapal upang tayo ay magkaunawaan para magkaisa!
    Sa pangkalahatan…
    Ang wika mo ay gamitin mo… ito ang iyong unang wika.
    Ang Wikang Filipino, ang ating Wikang Pambansa, ay ating gamitin… ito ang wika ng ating mayamang kultura at magiting na damdaming makabayan.
    Ang wika ng mundo, ang Ingles, ay ating gamitin upang higit pang mapaunlad ang ating sarili at ang ating bansa.
    Basahin po uli natin ang tema na Buwan ng Wika: Wika Mo, Wikang Filipino, Wika ng Mundo, Mahalaga!
    Hanggang dito lamang po ang aking maipaglilingkod. Muli, magandang umaga sa ating lahat. Maraming salamat!

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 6 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.