0 LIKES LikeUnLike
Tags:
*Pariralang Karaniwan =Ito ay binubuo ng panuring at pangngalan. ~~~Halimbawa: Ang ating bansa ay sasagana sa likas na yaman *Pariralang Pang-ukol =Ito ay binubuo ng pangukol at ang layon nito. ~~~Halimbawa: Huwag kayong gagawa ng labag sa batas *Pariralang Pawatas =Ito ay pagsasama ng pawatas na anyo ng pandiwa at ng layon nito. ~~~Halimbawa: Ang magsabi ng katotohanan ay mahirap gawin minsan *Parirala sa Iba't Ibang Anyo ng Pandiwa =Ito ay binubuo ng pandiwa na nasa iba't ibang panauhan at layon ~~~Halimbawa: Ang nagdurusa sa kasalanan ng lider ay ang mga mamamayan *Parirala sa Pangngalang Diwa =Pagsasama ng panlaping pag + salitang ugat + pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat + layon nito. ~~~Halimbawa: Ang paglalakad sa batuhan ay mahirap *Pariralang Pandiwari =Pagsasama ng panlaping naka + salitang ugat + layon nito o kaya ay pagsasama ng pantukoy na ang + pang-ngalang diwa + layon nito. ~~~Halimbawa: Ang nakatayo sa unahan ng klasrum ay ang pinakamahusay na mag-aaral *Pariralang Pang-uri =Ang parirala ay ginagamit upang mag-bigay turing sa pangngalan o panghalip. ~~~Halimabawa: Si Bianca ay isang babaeng may kalukahan. *Pariralang Pang-abay =Ang parirala ay nagbibigay turing sa mga pandiwa, pan-uri, o sa isa pang pang-abay. ~~~Halimbawa: Ang klase ay nagaaral ng tahimik.
Report (0) (0) | earlier
thanks a lot! xD
Report (0) (1) | earlier
Latest activity: earlier. This question has 8 answers.