Question:

Anu-ano ang uri ng pangangatwiran?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

1 ANSWERS


  1. 1. Pangangatwirang Pabuo (Inductive Reasoning)
    Nagsisimula sa maliit na katotohanan tungo sa isang panlahat na simulain o paglalahat ang pangangatwirang pabuod. Nahahati ang pangangatwirang ita sa tatlong bahagi.
    a. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad. Inilahad dito ang magkatulad na katangian , sinusuri ang katangian, at pinalulutang ang katotohanan. Ang nabubuong paglalahat sa ganitong pangangatwiran ay msasabing pansamantala lamang at maaaring mapasinungalingan. Maaring maging pareho ang pinaghahambing sa isa lamang katangian subalit magkaiba naman sa ibang katangian.
    b. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi.
    Nananalunton ito sa paniniwalang may sanhi kung kaya nagaganap ang isang pangyayari.
    c. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay. Napapalooban ito ng mga katibayan o ebidensyang higit na magpapatunay o magpapatutuo sa tinutukoy na paksa o kalagayan.
    2. Pangangatwirang Pasaklaw (Deductive Reasoning)
    Humahango ng isang pangyayari sa pamamagitan ng pagkakapit ng isang simulang panlahat ang pangangatwirang pasaklaw. Ang silohismo na siyang tawag sa ganitong pangangatwiran ay bumubuo ng isang pangungunang batayan, isang pangalawang batayan at isang konklusyon. Isang payak na balangkas ng pangangatwiran ang silohismo.

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 1 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.