0 LIKES LikeUnLike
Tags:
Ang pagka-Griego ni Aristotle ay hindi nangangahulugang sa kabihasnang Griego lamang siya makabuluhan. Sa katunayan, bunga ng kanyang pagiging pinaka-maimpluwensyang pilosopong Griego ay naging batayan siya ng pilosopiyang Kanluranin sa loob ng 2000 taon. Ngunit hindi rin tunay na siya’y para sa sibilisasyong Kanluran lang. Mas mainam at mas totoong sabihin na si Aristotle ay siyang yaman ng buong salinlahi at isang anak ni Adan na nagkataong nasilang, namulat, namuhay at nag-isip sa isang tangway sa Mediterranean – ang tangway ng Gresya. Hindi rin maipagkali na mapalad si Aristotle na naisilang sa isang masigasig at intelektwal na klima at na siya’y pinangunahan na ni Socrates at ng kanyang gurong si Plato sa kanyang pagtahak ng umaalab na daan sa pagkamit ng karunungan. Sa huling salita, maswerte ang maalat at salat na lupa ng Gresya na naging pinagtapakan ng mga paa ng tunay na marurunong. ok na ba yan.
Report (0) (0) | earlier
Latest activity: earlier. This question has 2 answers.