GAPO ni Lualhati Bautista
Talambuhay ng May-akda
Biograpiya
ipinanganak sa Tondo, Maynila noong Disyembre 2, 1946
ama: Esteban Bautista
ina: Gloria Torres
Mga Pinasukan na Paaralan:
Elilio Jacinto Elementary School
Torres High School
Lyceum of the Philippines
-di nakatapos dahil walang interest sa kursong kinuha
Natutong magsulat sa edad na 16
-inimpluwensiyahan ng kanyang magulang (composer at poem-writer)
Liwayway-dito una ipinalimbad ang kanyang mga isinulat
Bise-presidente ng Screenwriter’s Guild of the Philippines
Prsidente nf Kapisanan ng mga Manunulat ng nobelang Popular
1986:Naging isang national fellow for fiction of the University of the Philippines Creative Writing Center.
Mga Nasulat
Gapo (1980), Dekada '70 (1983), and Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? (1984)
-nanalo ngpangunahing gantimpala sa Dom Carlos Palanca Memorial Awards for Literature
Isa rin siyang movie and television at manunulat ng mga maikling.
Unang “screenplay”: Sakada (Seasonal Sugarcane Workers)
Bulaklak sa City Jail (1984)
Kung Mahawi Man ang Ulap (1984)
s*x Object (1985)
Kinilala ang may-akda sa mga sumusunod:
Philippine's Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature
Surian ng Wikang Pambansa in 1987
Metro Manila Film Festival (best story-best screenplay)
Film Academy Awards (best story-best screenplay)
Star Awards (finalist for best screenplay)
FAMAS (finalist for best screenplay)
URIAN awards
Nanalo ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature:
Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra unang gantimpala, 1982
Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang Ikalawang gantimpala
Talasalitaan
1. ‘Gapo- Olonngapo
2. hostess- isang babaing binabayaran para magbigay aliw sa mga lalaki
3. GI baby- anak ng isang Amerikano at isang Pilipino
4. Yankee- amerikano
5. Joe- tawag ng mga Pilipino sa mga Amerikano
Buod
Si Michael Taylor Jr. ay isang dalawangpung taong gulang na folk singer sa isang bar na nagngangalang freedom pad. Anak siya sa labas ng isang amerikanong sundalo na hindi niya nakita man o nakilala. Malaki ang galit niya sa mga amerikano dahil sa ginawa ng ama niyang pag-iwan sa kanyang ina at sa kanyang pagiging anak sa labas na ginawang katatawanan ng iba. Lalo siyang nagalit nang masaksihan niya ang pag-aalipusta ng mga sundalong amerikano sa mga kaibigan niya. Si Dolores, ang ina niyang nag-ampon dito at nakasama niya sa paglaki. Si Magda ay isang masugid na tagahanga ng mga sundalong amerikano sa kabila ng mga pasakit na dinanas niya ng dahil sa mga ito. Matalik na kaibigan ni Michael sina Modesto at Ali. Si Modesto ay isang pilipinong manggagawa sa base militar. Api-apihan ito sa pinagtatrabahuan niya. Wala siyang kaibigang amerikano roon maliban kay William Smith. Tinitiis niya na lamang ang kanyang trabaho dahil malaki ang halagang kinikita niya rito. Si Ali naman ay isang baklang masalapi. At nagkarelasyon sila ni Modesto. Naging kasintahan niya ang isang amerikanong sundalo na si Richard Halloway.
Isang araw, hindi na natiis ni Modesto ang pang-aapi sa kanya ng mga sundalong amerikano sa base militar. Nakipagsagutan siya sa isang opisyal doon at nauwi ito sa suntukan. Lamang sana si Modesto nang pagtulungan siya ng mga kasamahan ng sundalong puti. Sa kabila ng pagpipigil at pakikiusap ni William, napatay nila si Modesto.
Si Ali naman ay ninakawan nina Richard at Ignacio at binugbog rin.
Si Magda ay nagkaroon ng panibagong kasintahang sundalo na nagngangalang Steve Taylor. Noong simula ay napakabait ni Steve hanggang sa sa nabuntis siya nito. Makakatagpo na sana ni Michael ng isang kaibigan sa sundalong kano nang matuklasan nilang mayroon itong babalikang pamilya sa Estados Unidos.
Nanumbalik ang mga alaala niya sa sinapit ng kanyang ina, pati nina Ali at Modesto sa nga amerikano. Naulit na naman ang paglilinlang ng mga sundalong amerikano kay Magda. Hinampas ni Michael si Steve sa ulo gamit ang kanyang gitara na ikinamatay ni Steve. Nakulong si Michael.
Sa huling bahagi ng istorya ay dinalaw ni Magda si Mike sa kulungan. Ipinagpaalam niya ang pagpapangalan ng anak niya kay Mike. Ang bata ay magiging si Michael Taylor III. Naghawak ng mahigpit ang kanilang mga kamay sa magkabilang panig ng rehas.
Report (0) (0) |
earlier