Question:

Buod ng kwento ni mabuti ni genoveva edroza?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

19 ANSWERS


  1. hahaha...............pangit ng sagot nyo!!!!!!!!!!!!!!!


     


  2.  salamat mabuti sa iyong ibinigay na inspirasyon sa amin...


  3.  napakaganda ng kwentong ito.nagbibigay siya ng inspirasyon sa mga kabatang nais ring mag turo balang araw!


  4. oy bakit nagmumurahan kayo dito?


    ito nga ay kwento ni mabuti dapat ay maging mabuti din kayo..


    kaya kwento ni mabuti ay dahil sa tauan na mabuti.. dahil lagi niyang sinasabi ang salitang "mabuti"


  5. hahahah cute nya ???
       sna pweding ligwan hahah
    j0ke ???

  6. Ang kuwento ni mabuti
    ni Genoveva Edroza-Matute
    Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya't nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutuhan. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako'y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo… at sa kanyang buhay… Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanya ng pansin. Mula sa pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa paaralan, walang masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya. Siya'y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya'y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang mga pumalit sa mga salitang hindi niya maalala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraangalirip, iyon ay nagging salaminan ng uri ng paniniwala sa buhay. "Mabuti," ang sasabihin niya,"… ngayo'y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama't umabot tayo nsa bahaging to… Mabuti…Mabuti!" Hindi ako kailanman magtatapat sa kanya ng anuman kung di lamang nahuli niya akonginsangt lumuluha nang hapong iyon'y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin Noo'y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu=bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan,pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan. "Mabuti't may tao pala rito," wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig. "Tila may suliranin mabuti sana kung makakatulong ako." Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan, ay ibinilang kong kahihiyan at kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan. "Hindi ko alam na may tao rito"…..naparito ako upang umiyak din." Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa'y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi. Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo'y siyang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo'y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit siya'y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya'y tunay na matapat. Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nng bigla kong makaalala. "Siyanga pala, Ma'am, kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta niyo sa sulok na iyon na…iniiyakan ko?" Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; "ang sulok na iyon na . . . iniiyakan natin. . . nating dalawa." Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig:"sanay'y masabi ko sa iyo, ngunit…ang suliranin. .kailanman. Ang ibig kong sabihin ay . . maging higit na mabuti sana sa iyo ang. . .buhay." Si Mabuti'y nagging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglkalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon,.. "Iniiyakan natin," ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo'y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kuing nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong. . .aming dalawa…. At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang mga sinsabi. Ngunit, sa tuwina, kasyahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno nya ng maririkit na guni-guni an gaming isipan at ng mga tunog ang aming mga pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa panitikan ay nagging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahan at ako'y humanga. Wala iyon bdoon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi nagging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan. Ang pananalig niya sa kalooban ng Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na kiaraniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan. Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buonmg panahon ng pag-aaral naming sa kanya, Ngunit bumabanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak.. .nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid na siya'y hindi balo. Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki ng mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon niyang baka siya ay hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang sa mga bagay na "pinagtitiisang" pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit niyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa man ay nabubuo na sa akingt isipan ang isang hinala. Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong p**a sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya'y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon niya'y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak at isang mabuting manggagamot. Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang bumulong: "Gaya ng kanyang ama!" Narinig n gaming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya'y nagsalita. "Oo, gaya ng kanyang ama," ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi. Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan. Matitiyak ko noong may isang bagau ngang mali siya sa buhay niya. Mali siya nang ganoon na lamang.n At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang pusoko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng ginawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang tao man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing, "Oo, gaya ng kanyang ama," habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha. Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimtan kailanman. Tiningnan niya ako ng buong tapang na pinipigil ang pagngionig ng mga labi at sinabi ang ganito: "Mabuti.. mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalkungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahn. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin…" Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mgan lihim na kalungkutan ay nakakilala ng mga lihim na kaligayahan. At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng mukha niya,muli niyang ipinamalas sa amin ang mga natatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan. Ang kariktan ng katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay. At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng mbatang iyon marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat……

  7. Hindi ko na siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nila na naroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa luma ta walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa taas ng lumang hagdang umingiit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero, naroon pa siya't nagtuturo ng mga kaaalamang pang-aklat at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutuhan.
    Lagi ko siyang inuugnay sa karikitan ng buhay. Saan man may kagandahan: sa isang tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakita ko siay at ako'y lumiligaya. Ngunit walang ano mang maganda sa kanyang anyo….. at sa kanyang buhay….

    Siya ay isa sa pinakakaraniwang guro roon. Walang sino mang nag-ukol sa kanya ng pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa paaralan, walang masasabing ano mang di-pangkaraniwan sa kanya.

    Siya'y tinatawag naming lahat na Mabuti kung siya'y nakatalikod. Ang salitang iyon ang bukambibig niya. Iyon ang pumapalit sa mga salitang hindi niya maalala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandali ng pag-aalanganin. Sa isang paraang hindi malirip, iyon ay nagging salamin ng uri ng paniniwala niya sa buhay.

    "Mabuti," ang sasabihin niya, ". . . ngayo'y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama't umabot tayo sa bahaging ito. . . Mabuti. . . mabuti . . . !"

    Hindi ako kailanman magtatapat sa kanya ng ano man kundi lamang nahuli niya akong minsang lumuluha: nang hapong iyo'y iniluluha ng bata kong puso ang isang pambata ring suliranin.

    Noo'y magtatakipsilim na at maliban sa pabugso-bugsong hiyawan ng mganagsisipanuod sa mga nagsasanayang manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.

    "Mabuti'y may tao pala rito," ang wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa tinig. "Tila may suliranin ka. . . . mabuti sana kung makakatulong ako."

    Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kalian man. Sa bata kong isipan ay binilang kong kahihiyan at ang kaabaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit hindi ako nakakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako at napaupong bigla sa katapat na luklukan.

    "Hindi ko alam na may tao rito. . . naparito ako upang umiyak din."

    Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kaniyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa'y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.

    Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig ko sa pagtatapat ng suliraning sa palagay ko noo'y siya na ang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo'y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit siya'y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam kong ang pagmamalasakit niya'y tunay na matapat.

    Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panulukang maghihiwalay sa ami'y natatanaw na nang bigla akong makaalala.

    "siya nga pala, Ma'am, kayo? Kayo nga pala? Ano ho ang iyong pinunta sa sulok na iyon na. . . iniiyakan ko?"

    Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon: "ang sulok na iyon na. . . iniiyakan natin. . . . nating dalawa." Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig: "Sana'y masasabi ko sa iyo, ngunit. . . . ang suliranin ko'y hindi para sa mga batang gaya mo. Mabuti sana'y hind imaging iyo ang ganoong uri ng suliranin. . . . kalian man. Ang ibig kong sabihi'y . . . . maging higit na mabuti sana sa iyo ang . . . . Buhay."

    Si Mabuti'y nagging isang bagong nilikha sa akin mula ng araw na iyon. SA pagsasalita niya muli sa hapag, nagtatanong, sumasagot, sa pagngiti niya ng mababagal at mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang mga pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa sulok na iyong. . . . aming dalawa.

    At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bukas ng kapaitan sa kanyang mga sinabi. Ngunit sa tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno niya ng maririkit na guniguni an gaming isipan at mga kaaya-ayang tunog an gaming pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng Buhay. Bawat aralin naming sa Panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan namin sa kagandahan. At ako'y huamnga.

    Wala iyon doon kangina, ang masasabi ko sa sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan na kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan.

    Hindi siya bumanggit ng ano man tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaral naming sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, ang tangi niyang anak. . . . nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumanggit sa amin kalian man tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit dalawa sa kamag-aaral naming ang nakababatid na siya'y hindi balo.

    Walang pagaalinlangan ang lahat ng maririkit niyang pangarap ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang mga katabilan niyon, ang palaki nang palaking pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi namamalayang nakapagpahayag ang maing guro ng isang pangamba: ang pagkatakot niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan-ilan sa aming pangkat, ang paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay isa lamang sa mga bagay na "pinagtitiisang" pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit na iyo'y nagkaroon ng bagong kahulugan sapagkat noon pa ma'y nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala.

    Sa kanyang pagsasalaysay ay nalaman naming ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong p**a sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya'y animna taong gulang na. Sa susunod na tao'y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggamot ang kanyang anak --- at isang mabuting manggagamot.

    Nasa bahagi iyon ang pagsasalita n gaming guro nang ang isa sa mga batang lalaki sa aking likuran ay bumubulong: "Gaya ng kanyang ama!"

    "Oo, gaya nga ng kanyang ama," ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay sa isang pilit na ngiti sa kanyan labi.

    Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase tungkol sa ama ng batang may kaarawan.

    Natiyak ko noonng may isang bagay ngang nalisya sa buhay niya. Nalisya nang ganoon na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot sa puso ko ang pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng ginawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may pagtatapatan siyang isang tao man lamang. Ngunit ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon: ang mga kamag-aaral kong nakinig nang walang ano mang malasakit sa kanyang sinabing, "Oo, gaya nga ng kanyang ama," habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha.

    Pagkatapos may sinabi siyang hindi ko malilimutan kalian man. Tinignan niya ako ng buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito: "Mabuti . . . . mabuti! Gaya ng sasabihin nitong si Fe --- iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsisimula tayo sa ating aralin. . . . "

    Natiyak ko noon, gaya ng pagkatiyak ko ngayon, na hindi akin ang pangungusap na iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin nang umagang iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan. . .

    At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay sa kanyang mukha, muli niyang ipinamalas sa amin ang mga natatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan: ang kariktan ng katapangan, ang kariktan ng pagpapatuloy ano man ang kulay ng Buhay.

    At ngayon, ilang araw lamang ang nakaraan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyon na marahil ay magiging isang manggagamot din baling araw, ay namatay may ilang araw lamang ngayon ang nakalilipas. Namatay at naburol ng dalawang araw at dalawang gabi sa isang bahay na hindi siyang tinitirhan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyo'y naunawaan ko ang lahat. . . .

  8. wlang magawa tong mga toh

  9. Buod ng Kuwento ni Mabuti
    ni Genoveva D. Edrosa

    Ang kwentong ito ay tungkol sa isang estudyante at isang guro na may mabigat na problema sa pamilya ngunit may magandang pananaw sa buhay. Ang kwento ay nagsimula sa silid-aklatan ng kanilang paaralan. Sa isang sulok nito ay naroon ang isang estudyanteng umiiyak dahil sa isang hindi kalalimang bagay ‘di gaya ng sa kanyang guro. Nang makita ng guro ang estudyanteng nasabi, sinabi rin nitong siya ay iiyak dahil sa isang mabigat na suliranin sa kanyang buhay. Sila ay naging malapit. Ang suliranin palang ito ay tungkol sa kanyang pamilya: ang kanyang anak at asawa. Ngunit, sa kabila ng suliraning ito, siya ay nanatiling positibo. Sa kanyang pagiging guro, madalas niyang sabihin ang salitang mabuti sa bawat kataga kaya ang kwentong ito’y naging “kwento ni Mabuti”.

  10. tauhan sa kwento ni mabuti?

  11. bakit "mabuti"  ang pamagat ng akda?

  12. opo

  13. siya ay isang guro na napakabuti

  14. duh???

  15. sdghgsdsfsdaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa'''''''''''

  16. baliw kb?o ngba2lw blwn lng???

  17. ang ganda tlaga ng kwento nito subukan nyong bsahin at mgagandahan din kau...............................................................................

  18. ang ganda lkaga ng kwento nito subukan nyong bsahin at mgagandahan din kau...............................................................................

  19. tang ina mo

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 19 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions