Question:

Can you please give a tagalog poem written by famous persons like jose rizal?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

must be at least 4-5 stanzas

 Tags:

   Report

5 ANSWERS


  1. These are all filipino poems by Jose Rizal:

    Pinatutula Ako

    Sa Kabataang Pilipino

    Sa Mahal na Birhen Maria

    Isang Alaala ng Aking Bayan

    Ang Ligpit Kong Tahanan

    Kundiman  

    Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

    Awit ng Manlalakbay

    Sa Sanggol na si Jesus

    Huling Paalam

    Ang Awit ni Maria Clara


  2. A poem by Andres Bonifacio, also sang by the group INANG LAYA :

    Pag-ibig sa Tinubuang Lupa (Love for the Native Land)

    by : Andres Bonifacio



    Aling pag-ibig ba ang hihigit kaya (What kind of love could exceed)

    Sa pagkadalisay at pagkadakila? (in purity and greatness)

    Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa (like the love for the native land)

    Aling pag-ibig ba? Wala na nga, wala (Which love, none, none)



    Walang mahalagang hindi inihandog (There is nothing valuable that was not offered)

    Ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop (by one who has a pure heart to the land that nurtured him)

    Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod (Blood, wealth, intellect. perseverance and tiredness (?)

    Buhay ma’y abuting magkalagut-lagot (Even if life is lost)

    Ang nakaraang panahon ng aliw (The past years of bliss)

    Ang inaasahang araw na darating (Is what we can hope will come)

    Ng pagkatimawa ng mga alipin (By the slaves)

    Liban pa sa bayan saan tatanghalin? (Other than for country, where else)



    Sa aba ng abang nawalay sa bayan (For one who has been taken away from his country)

    Gunita man ay laging sakbibi ng lumbay (Even memory is filled with sadness)

    Walang alaala’t inaasam-asam (Remembering and longing for nothing)

    Kundi ang makita’y lupang tinubuan (But to see the native land)



    Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak (You who have lost fruit and have flowers withered)

    Kahoy niyaring buhay na nilanta’t sukat (The wood of life that dried up)

    Ng bala-balakid makapal na hirap (By messy strife)

    Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag (Come alive and admire this nation)



    Ipagkahandug-handog ang buong pag-ibig (Offer your full love)

    Hanggang sa may dugo, ubusin itigis (While there is blood, spill out everything)

    Kung sa pagtatanggol buhay ang kapalit (If in defense, your life is fair exchange)

    Ito’y kapalaran at tunay na langit (That is fate, and real heavenly reward)



    Aling pag-ibig ba ang hihigit kaya (which love can ever exceed)

    Sa pagkadalisay at pagkadakila? (In purity and greatness)

    Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa (Like the love for the native land)

    Aling pag-ibig ba? Wala na nga, wala.. (Which love. There is none. None.)

  3. Awit ni Maria Clara

    Jose Rizal

    Kay tamis ng oras sa sariling bayan,

    Kaibigan lahat ang abot ng araw,

    At sampu ng simoy sa parang ay buhay,

    Aliw ng panimdim pati kamatayan.

    Maalab na halik ang nagsaliw-saliw

    Sa labi ng inang mahal, pagkagising;

    Ang pita ng bisig as siya’y yapusin,

    Pati mga mata’y ngumgiti mandin.

    Kung dahil sa bayan, kay tamis mamatay,

    Doon sa kasuyo ang abot ng araw;

    Kamatayan pati ng simoy sa parang

    Sa walang pag-ibig, ni ina, ng Bayan

    _______________________________

    Sa Kabataang Pilipino

    Jose Rizal

    Itaas ang iyong

    Malinis na noo

    Sa araw na ito,

    Kabataang Pilipino!

    Igilas mo na rin ang kumikinang mong

    Mayamang sanghaya

    Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya!

    Makapangyarihang wani’y lumilipad,

    At binibigyang ka ng muning mataas,

    Na maitutulad ng ganap na lakas,

    Mabilis na hangin, sa kanyang paglipad,

    Malinis na diwa, sa likmuang hangad.

    Ikaw ay bumaba

    Na taglay ang ilaw

    Ng sining at agham

    Sa paglalabanan,

    Bunying kabataan,

    At iyong kalagiun ang gapos mong iyang

    Tanikalang bakal na kinatalian

    Ng matulain mong waning kinagisnan.

    Ikaw na lagi nang pataas nag lipad,

    Sa pakpak ng iyong Mayamang pangarap,

    Na iyong Makita sa Ilimpong ulap

    Ang lalong matamis

    Na mag tulaing pinakananais,

    Ng higit ang sarap

    Kaysa “ambrosia” at “nectar” na awagas

    Ng mga bulaklak.

    Ikaw na may tinig

    Na buhat sa langit,

    Kaagaw sa tamis

    Na kay Filomenang Malinis na hiomig,

    Sa gabing tahimik

    Ay pinaparam mo ang sa taong sakit,

    Ikaw, na ang batong sukdulan ng tigas

    Sa lakas ng iyong diwa’y nagagawad

    Ng buhay at gilas,

    At ang alaalang makislap

    Ay nabibigayan ng kamay mong masikap

    Ng buhay na walang masasabing wakes.

    At ikaw, na siyang

    Sa may iba’t ibang

    Balani ni Febong kay Apelas mahal,

    Gayundin sa lambong ng katalagahan,

    Na siayng sa guhit ng pinsel mong tanga’y

    Nakapaglilipat sa kayong alinman;

    Hayo na’y tumakbo! Sapagka’t ang banal

    Na ningas ng wani’y nais maputungan

    Kayong naglalama’y,

    At maipamansag ng tambuling tangan,

    Saan man humanggan,

    Ang ngalan ng tao, sa di matulusang

    Lawak ng palibot na nakasasaklaw.

    Malwalhating araw,

    Ito, Pilipinas, sa lupang tuntungan!

    Ang Lumikha’y dapat na pasalamatan,

    Dahilan sa kanyang mapagmahal,

    Na ikaw’y pahatdan.

  4. ang surot by gloria arroyo

  5. bawat bata sa ating mundo by eunice r jebulan i'll just answer it tommorrow 'coz i have no time for now

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 5 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.