Takipsilim
Ilang hakbang papalayo
Sa bawat singhot,akoy napapaso
Hinahanap ka ng langit
Saan kita itatago?
Ang buhay,'di mahalaga
Kung ika'y hindi makakasama
Wala ibang idadalangin
O diyos ko,'wag kang agawin sa akin
Kislap ng 'yong mga mata
Ang syang nagbibigay ng kulay
Mga bulong ng hangin na nag-uugnay
Sa 'yo at sa 'king buhay
At sayong paglayo
Tangay-tangay mo ang buhay ko
Sa bawat pintig ng puso ko
Aking dalangin
'wag kang agawin sa akin
Gagawin ang lahat
'wag kang agawin sa akin
Gagawin ang lahat
Gagawin ang lahat
Gagawin ang lahat
O diyos ko,'wag kang agawi sa akin
and
Tuliro
INTRO
1, 2, 3
Labis ako'y nahuhumaling
Sabik sa bawat sandaling
Ika'y makapiling
Giliw, hayaang lumapit
Huwag mo sanang ipagkait
Malas ang langit
CHORUS
Anong nadarama
Tuwing makikita kang dumarating
Tuliro, 'di malaman ang gagawin at
Walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo (hay)
Wari, 'di ko na malimot
Mga galaw at kilos mo
Sa aking pagtulog
At sa panaginip, ika'y mamalagi
At 'di na muling malulumbay
Sa aking paggising
CHORUS
Anong nadarama
Tuwing makikita kang dumarating
Tuliro, 'di malaman ang gagawin at
Walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo
Anong nadarama
AD LIB
CHORUS
Pa'nong nadarama
Gayong sa isip ko'y hindi ka maalis
Tuliro, 'di malaman ang gagawin at
Walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo
Anong nadarama
Ngayon at nandirito ka sa aking tabi
Tuliro, 'di malaman ang gagawin at
Walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo
Tuliro...
[Repeat till fade]
Tags: