Question:

Halimbawa ng kwento na textong informativ?

by  |  earlier

1 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

2 ANSWERS


  1. Sa ngayon, napatunayan ang pagiging masipag ng mga Pilipino dahil sa mahigit 11 milyong overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho sa iba't ibang bansa sa daigdig. Isa ang mga Pilipino sa mga pinakagustong manggagawa dahil sa kanilang katangian ng pagiging masipag. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, umabot sa $14.7 bilyon ang naipadalang salapi ng mga OFW sa Pilipinas noong 2007. Dahil ditto, ang masisipag na Pilipinong ito ay isang magalagang bahagi ng ekonomiya ng bansa.


    PAGIGING MASIPAG


  2. PAGIGING MASIPAG




    <center>




    </center>




    Isa sa mga paratang ng mga mananakop na Espanyol sa mga katutubong Pilipino noon ay ang pagiging tamad. Dahil dito, isinulat ni Dr. Jose Rizal ang isang aklat na may pamagat na La Indolencia de los Filipinos para sagutin ang paratang na ito. Inamin ni Rizal na maaaring may suliranin nga ng pagiging tamad sa mga Pilipino. Gayunman, idiniin niya na ito ay sanhi ng ilang mga kadahilanan. Ayon kay Rizal, ito ay epekto ng klima at kawalan ng kaayusang panlipunan sa Pilipinas. Ipinagtanggol ng pambansang bayani ang mga Pilipino sa pagsasabing hindi likas na tamad ang kanyang mga kalahi sapagkat bago pa dumating ang mga Espanyol, nakikibahagi na ang mga Pilipino sa mga gawaing pangkabuhayan tulad ng agrikultura at kalakalan. Sinabi ni Rizal nanag- uugat ang sinasabing pagiging tamad ng mga Pilipino dahil sa pagtatangi, pang- aabuso, laganap na katiwalian, kawalang pagkilos ng pamahalaan, maling dokrina ng Simbahan at masamang halimbawa ng mga Espanyol. Para kay Rizal, ang pagiging tamad ng mga Pilipino ay dahil sa kawalan ng edukasyon at pagkakaisa nng mga katutubo. Naniniwala si Rizal na ang edukasyon at kalayaan ang lunas sa suliraning ito ng mga Pilipino.

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 2 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions