Question:

Halimbawa ng talumpati ng pangulo?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

1 ANSWERS


  1. TAOS-puso akong bumabati sa lahat ng ating mga kababayan sa
    makasaysayang okasyong ito, and ika-labintatlong anibersaryo ng
    EDSA People Power Revolution. Isang malaking karangalan para sa
    akin ang makasama sa pagkakataong ito ang mga bayani ng EDSA na
    nagpamalas sa mundo na kaya ng sambayanang Pilipinong ibalik ang
    demokrasya sa mapayapang paraan.

    Kung hindi dahil sa kanila, hindi magiging, makabuluhan ang pagdiriwang
    natin ng ikasandaang taon ng ating kalayaan noong nakaraang taon, bale-wala
    rin sana ang pagsapit ng sentenaryo ng ating pagka-bansa noong nakaraang
    Enero, dahil ano ang silbi ng paggunita natin sa unang Republika ng Pilipinas
    kung hindi naman tayo malaya?

    Kung hindi dahil sa kanila, wala rin marahil Pangulo ngayon na Joseph
    Ejercito Estrada. Kaya't sa araw na ito, muli nating pasalamatan ng lubos ang
    kanilang kagitingan at dakilang pagmamahal sa ating bayan.

    Si Pangulong Cory Aquino ang siyang naging simbolo ng pagbabalik ng
    demokrasya sa ating bansa, ipinamana niya sa ating lahat ang isang matatag
    na demokrasya.

    Si Pangulong Fidel V. Ramos naman ay muling pinatatag ang ating
    pamahalaan at binuhay ang ating pambansang ekonomiya. Walang pagod
    niyang pinagtibay ang kapayapaan, na siya namang naging pundasyon ng
    mga reporma para palakasin ang ating bansa.

    Ang minamahal nating Jaime Cardinal Sin ay wala ring pagod na binabantayan
    ang ating demokrasya. Dahil sa kanya, ang simbahan ay nanatiling isang
    malakas na puwersa para maging tapat ang mga pulitiko na magsilbi sa
    bayan.

    Ipinakita rin ng iba pa nating mga Bayani ng EDSA na hindi nagtapos sa
    pagbabalik ng ating demokrasya ang kanilang paglilingkod sa bayan, si dating
    Defense Secretary Juan Ponce Enrile ay kung ilang beses nang naging
    senador. Si Butz Aquino ng August twenty-One Movement, o ATOM, ay
    naging senador din at ngayon naman ay Congressman ng Makati City. At si
    Col. Gringo Honasan ay Senador na rin.

    Diyan natin makikita na ang ating tinatamasang demokrasya ngayon ay hindi
    lamang nila ipinaglaban noon sa EDSA. Ipinaglalaban pa rin nila ito ngayon -
    sa senado, sa kongreso, sa simbahan, maging sa lansangan. At sa kaso ng
    dalawa nating dating Pangulo, higit pa nila itong pinalakas sa Malakanyang.

    Pitong taon na ang nakaraan, nagkaroon ng mapayapang pagsalin ng
    kapangyarihan mula kay Pangulong Aquino kay Pangulong Ramos. At noong
    nakaraang Hunyo naman ng taong nakalipas ay mapayapa ring isinalin sa
    akin ni Pangulong Ramos ang pagiging Pangulo. Ito ay nagpapatunay ng
    katatagan ng ating kaayusang pampulitika.

    The Legacy of EDSA

    I stand before you today fortunate and proud to have succeeded two worthy
    leaders who not only kept the legacy of EDSA alive but also enhanced its
    spirit.

    Today, Filipinos live in the glory of democracy and by ways of freedom. This
    restored democracy and freedom we all owe to that momentous event when
    Filipinos from all walks of life came out with one heart, one soul, one voice to
    prove that tanks could be powerless against rosaries and guns could be
    silenced by prayers.

    EDSA was, by and large, a reawakening. It was when people subordinated
    personal interests to the national good. It was when Filipinos became truly
    Filipinos - deserving of the sacrifices of our heroes and that of man who
    believed they were worth dying for.

    Naririto tayo ngayon upang sariwain ang bahagi ng ating kasaysayan
    nagpakilala sa kagitingan ng ating lahi sa buong mundo. Ang EDSA revolution
    ay labis na hinangaan at di naglaon ay pinamarisan ng iba pang mga
    sumisibol na demokrasya. Sa Germany, sa Hungary, Sa Korea, sa Rusya,
    maging sa Tsina at Myanmar, naging inspirasyon nila ang kabayanihang
    ipinamalas ng sambayanang Pilipino mula ika-22 hangang ika-25 ng Pebrero
    noong taong 1986.

    Standing by the ways of freedom

    Nang dahil sa EDSA, ang inyong abang lingkod ay naging Pangulo ng
    sambayanang may kalayaan pumili at maghalal kaya naman tungkulin kong
    ipagpatuloy ang simulaing nagbalik sa ating karapatang mamuhay nang
    malaya.

    Alam ng marami na ako po ay natanggal sa puwesto bilang Mayor ng San
    Juan pagkatapos ng EDSA tinanggap ko 'yon bilang paraan upang maipatupad
    ang malawakang reporma. Kung hindi sa pangyayaring iyon, baka hindi ako
    naging Senador, Bise-Presidente, at ngayon, inyong Pangulo.

    There is truth to the saying that when God closes a window, he opens a
    bigger door. When the Filipinos went through great sufferings before EDSA,
    they were just being prepared for something bigger.

    Kung pinatatag ni Pangulong Aquino ang ating demokrasya at binuhay naman
    ni Pangulong Ramos ang ating ekonomiya, ano pa ang aking pwedeng gawin
    para mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino? Ano ang kailangan kong gawin
    para manatiling buhay ang diwa ng EDSA?

    The fight continues

    Mga minamahal kong kababayan, di pa tapos ang laban ng EDSA. Hindi
    magiging ganap ang ating kalayaan kung ang masang Pilipino ay nabubuhay
    pa rin sa kahirapan.

    More than one hundred years ago, the masses pinned their hopes for a better
    life on the attainment of independence. They fought for what they believed to
    be the broader goals of the revolution - a brotherhood among Filipinos, equal
    opportunities for the rich and the poor, and the eradication of poverty.

    Hindi pa nating nakakamit ang mga hangaring yan kaya't ito ang ating
    ipinaglalaban ngayon - ang ma-ahon ang ating mga kababayan sa kahirapan,
    mabigyan sila ng katarungan. Mabawi ang kanilang dignidad at mabuhay nang
    mapayapa at masagana.

    Nariyan pa rin ang maraming hamon na dapat nating harapin tulad ng
    kakulangan sa pagkain, disenteng tirahan at mahusay na edukasyon ng ating
    mga maliliit na kababayan. Patuloy nating nilalabanan ang anomalya sa
    Gobyerno, ang pagnanakaw sa kaban ng bayan, at pagsasamantala sa
    kapuwa. Susugpuin natin ang kriminalidad at paglaganap ng mga bawal na
    gamot puputulin din natin ang pag-aabuso ng iilan sa ating kalikasan.

    Today we are waging new battles against the tyranny of poverty, against graft
    and corruption against criminality, against drug abuse and trafficking, against
    the degradation of the environment.

    Dito natin kailangan ang diwa ng EDSA - ang ating pagkakaisa, at
    pagtutulungan. At ako'y handang mamuno sa labang ito. Ang tanging hangad
    ko ngayon ay maalaala bilang Pangulong naging kampeon ng mahihirap, at
    sisiguraduhin kong mangyari ito sa natitira pang 1,955 araw ng aking
    panunungkulan.

    The need for unity and solidarity today

    Mas malaki, mas malawak at mas malalim ang hamon na naghinintay sa mga
    Pilipino ngayon hindi pa tapos ang pakikibaka natin laban sa mga kaaway ng
    tunay na kalayaan - ang kalayaang mamuhay ng marangal at sapat sa mga
    pangunahing pangangailangan.

    Kung tayong lahat aymagtutulungan tulad nang ginawa natin noon sa EDSA,
    kaya nating labanan ang hamon na 'yan at mas malayo pa ang ating
    mararating kung ang mga taga-Maynila, Baguio, Cebu, Davao, Cotabato at iba
    pang sulok ng Pilipinas ay nagkaisa noong 1986, bakit hindi tayo pwedeng
    magkaisa ngayon? Kung nagsama-sama tayo noon - bata man o matanda,
    may-kaya o wala, kristiyano at Muslim, bakit hindi tayo magsama-samang
    muli?

    Sa halip na tayo ay maghatakan pababa, tayo ay magkapit-bisig, imbes na
    mag-iringan, tayo ay mag-usap ng mahinahon. Imbes na pintasan ang iba,
    tayo ay kumilos na lamang at gumawa ng aksiyon.

    Tanging ang ating pagkakaisa ang makasasagip sa ating kalagayan ngayon.
    Ito rin ang dahilan kung bakit, isang daang taon mula nang makamit natin ang
    kalayaan at labing-tatlong taon matapos mabalik ang ating demokrasya, tayo
    ay hindi umunlad ng husto at napag-iwanan ng ating mga karatig-bansa.

    Si Pangulong Aguinaldo, sa pagbubukas ng Kongreso sa Barasoain na siyang
    nagtatag sa ating Republika ay nagbigay ng ganitong payo sa ating mga
    kababayan: "Mag-isang loob tayo, sa pagka't walang ibang magkakapatid
    kundi tayo-tayo rin" bilang Pangulo sa simula ng pangalawang Daang taon ng
    ating pagka-bansa ito pa rin ang aking hinihiling nang sabihin kong "Walang
    tutulong sa Pilipino kundi kapwa Pilipino."

    Closing

    Let us achieve reconcilation based on justice. Let us attain unity and solidarity
    so we can move our country forward faster. Isantabi natin ang mga personal
    na interes at pamumulitika para sa kapakanan ng nakrarami. This should be
    the way of freedom and democracy, this is the only way to go for Filipinos.

    Magiging makabuluhan lamang ang ating pagdiriwang na ito kung ang
    pagkakaisang pinanindigan ng mga Pilipino sa EDSA noong 1986 ay muli
    nating bubuhayin sa kasalukuyang panahon.

    To ensure that the legacy of EDSA lives on, I here today issuing an executive
    order creating an EDSA People Power Commission to perpetuate and
    propagate the spirit of EDSA. Among its functions will be to initiate activities
    that will expand awareness of the principles and values that the EDSA people
    revolution stands for and plan, organize and implement the yearly
    commemoration of the February 22-25, 1986 EDSA revolution.

    The commission shall have 25 members, to be chaired by a cabinet member
    and cochaired by a private sector, representative. Lifetime honorary
    membership to the commission shall be given to former President Corazon C.
    Aquino, former President Fidel V. Ramos, and Manila Archbishop Jaime
    Cardinal Sin.

    Tulad nga po ng aking sinabi sa "Ulat sa Bayan" sa simula ng atong ito: Sa
    ating pagkakaisa at pagtutulungan tayo ay sabaysabay na babangon bilang
    isang bansa, bilang isang lipunan, bilang isang lahi.

    Maraming salamat at mabuhay ang sambayanang Pilipino!

    Source:  Manila Bulletin

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 1 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.