Question:

History about jose ma panganiban?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

3 ANSWERS

  1. Si Jose Maria Panganiban y Enverga na pinagmamalaking anak ng Bikol ay isinilang sa Mambulao, Camarines Norte noong Pebrero 1, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Vicente Panganiban na taga-Hagonoy, Bulacan at Juana Enverga na mula naman sa Mauban, Quezon (noon ay Tayabas). Pangatlo siya sa tatlong anak na lalaki ng mag-asawa.
    Bagamat ang mga magulang ay hindi taga-Bicol, doon na isinilang at lumaki si Jose sapagkat doon na pirmihang nanirahan ang kanilang pamilya simula nang doon naempleyo ang kanyang ama bilang Clerk of Court sa Daet, Camarines Norte.
    Si Panganiban ay isa sa mga aktibong repormista noong panahon ng Propaganda. Sa katalinuhan at kagitingan ay maihahanay siya kay Jose Rizal. Sinasabing ang pagiging makabayan ni Andres Bonifacio at ang pagiging magaling na manunulat ni Marcelo H. Del Pilar ay makikita kay Jose Ma. Panganiban.
    Katulad ni Rizal, natutuhan ni Panganiban ang alpabeto at mga unang dasal na dapat matutuhan ng isang bata sa kanyang ina. Kakaiba siya sa mga batang katulad niya sapagkat pambihira ang kanyang hilig sa pagbabasa ng mga aklat. Higit na kinagigiliwan niya ang pagbabasa kaysa sa pakikipaglaro sa mga batang lalaki tulad niya.
    May isang pagkakataon daw na nawala na lamang siya basta nang hindi nagpaalam sa kanyang ina kaya buong pag-aalalang hinanap siya ng kanyang mga kasama sa bahay. Pagkatapos ng ilang oras na paghahanap ay natagpuan si Jose na natutulog sa ilalim ng isang puna sa kanilang bakuran na hawak ang isang sipi ng aklat na Don Quijote de la Mancha ni Cervantes.
    Nag-aral si Jose Ma. Panganiban sa Seminary of the Paulist Fathers sa Naga, Camarines Sur (noon ay Nueva Caceres). Dito ay ginulat niya ang kanyang mga guro sa taglay niyang katalinuhan. Nagpakita siya ng kahanga-hangang katalilluhan sa lahat ng larangan ng pagaaral tulad ng literatura, pilosopiya, mga wika, matematika, likas na agham at iba pa.
    Ang kanyang paglilingkod bilang katulong sa panggagamot sa klinika ng seminaryo ang umakit sa kanya upang magkaroon ng interes sa medisina.
    Humanga sa kanya ng labis ang director ng seminaryo kaya ipinadala siya sa Maynila upang mag-aral. Natapos niya ang digring Bachiller en Artes sa Colegio San Juan de Letran nang may karangalan. Iyon ang naging daan upang magsimula siyang magaral ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas.
    Samantalang nag-aaral ng medisina, nag-aral din siya ng isang taong kursong pang-agrikultura sa Colegio San Juan de Letran kung saan natamo niya ang titulong Agricultural Expert noong 1885.
    Bilang mag-aaral ng medisina na nasa unang taon ay sinalihan niya ang lahat ng mga patimpalak sa larangan ng siyensiya at palagiang nakakukuha ng unang gantimpala, maliban sa isang pagkakataong hindi ibinigay sa kanya ang unang gantimpala dahil lamang sa siya ay isang indiyo.
    Sa isang University Scientific Contest nagpasok siya ng tatlong lahok (3 entries) sa larangan ng Pathology, Therapeutics, at Surgical Anatomy. Ipinanalo niya lahat ang tatlong lahok. Ang bawat isa ay nagtamo ng unang gantimpala. Nagalak ang mga Lupon ng Inampalan (Board of Judges) kaya inirekomenda ni Padre Gregorio Echevarria na ang mga ipinanalong mga piyesa ni Panganiban ay ipaimprenta at isama bilang eksibit sa Exposicion General de Filipinas na ginanap sa Madrid noong 1887.
    Nakita sa talaan na lahat ng kanyang naging mga grado ay Sobre Saliente. Sa mga tala ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang Scholastic Record ni Panganiban ay higit pang kahanga-hanga kaysa ng kay Rizal. Ipinakikita ng record na ang kanyang mga grado sa mga araling pang-medisina ay Sobre Saliente.
    Sa pagnanasang madagdagan at mapalawak ang pag-aaral ng medisina, nagtungo siya sa Espanya at nag-aral sa Unibersidad ng Barcelona. Dito niya natagpuan ang kanyang naging matalik na kaibigan, si Graciano Lopez Jaena, kasama sina Mariano Ponce ng Bulacan, Tomas Arejola ng Bicol na naging kaklase niya sa Nueva Caceres.
    Sa panahon ng kasidhian ng kilusang Propaganda sa Barcelona, higit niyang pinahalagahan ang sumama sa samahang Asosacion Hispano-Filipina na binubuo ng mga Pilipino at liberal na mga Kastila sa masugid na paghingi ng mga reporma.
    Nagsulat siya ng mga artikulo sa pahayagang La Solidaridad, at tagapamansag ng Kilusang Propaganda. Ginamit niya ang sagisag sa panulat na JOMAPA at J.M.P.. Ang una niyang artikulo ay may pamagat na El Pensamiento (Thought) kung saan ay binigyang-diin ang kalayaan sa pagpapahayag na kung wala ito ay hindi mauunawaan ng pamahalaan ang hangarin at mithiin ng mga mamamayan.
    Sa artikulo naman niyang La Universidad de Manila: Su Plan de Estudio (The University of Manila: Its Plan of Studies), ay pinuna niya ang sistema ng mataas na edukasyon dito sa Pilipinas at hiniling na magkaroon ng kalayaang pang-akademiko sa mga unibersidad.
    Isa ring makata si Jomapa. Nagsulat siya ng mga tula sa wikang Kastila. Ang una niyang sinulat ay isang oda nang estudyante pa lamang siya sa Seminario ng Nueva Caceres, ang pamagat ay A Nuestro Obispo. Han sa mga tulang sinulat niya ay Noches en Mambulao, Bahia de Mambulao (Mambulao Bay) at Amor Mio. Ang kanyang mga tulang nasulat sa Tagalog ay mababanggit ang Sa Aking Buhay at Ang Lupang Tinubuan . Nagsulat din siya ng Hang maikling kuwento tulad ng Clarita Perez at Kandeng. Isa ring orador si Panganiban. Napakahusay niyang manghikayat sa kanyang mga talumpati kaya't bilang masugid na repormista, sa lahat ng mga okasyon, siya ay nagtatalumpati. Ang layunin ay makahikayat ng mga kapanalig para sa liberasyon ng Pilipinas.
    Pantas-wika din si Panganiban. Madali siyang matuto ng mga wikang kanyang pinag-aralan. Bukod sa Tagalog at Bikol, natutuhan niya ang Latin at Kastila nang siya ay labindalawang taong gulang pa lamang. Natutuhan niya ang wikang Intsik sa loob lamang ng apat na buwan at bago siya namatay ay natutuhan niya ang wikang Aleman, Italyano at wikang Pranses.
    Nakapanghihinayang na siya ay bawian ng buhay sa ibang bansa at hindi sa sariling bansang sinilangan at pinaglaanan ng tunay na pagmamahal.
    Namatay siya sa Barcelona noong Agosto 19, 1890, sa sakit na tuberkolosis, sa edad na 27 lamang.
    Bilang pagbibigay-pugay at karangalan sa kanya, ang bayan ng Mambulao na siyang pook na kanyang sinilangan ay pinangalanang Jose Ma. Panganiban

  2. Si Jose Maria Panganiban y Enverga na pinagmamalaking anak ng Bikol ay isinilang sa Mambulao, Camarines Norte noong Pebrero 1, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Vicente Panganiban na taga-Hagonoy, Bulacan at Juana Enverga na mula naman sa Mauban, Quezon (noon ay Tayabas). Pangatlo siya sa tatlong anak na lalaki ng mag-asawa.

  3. Jose Maria Panganiban

    Mula Wikifilipino
    Jump to: galugad , hanapin

    Si Jose Maria Panganiban y Enverga na pinagmamalaking anak ng Bikol ay isinilang sa Mambulao, Camarines Norte noong Pebrero 1, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Vicente Panganiban na taga-Hagonoy, Bulacan at Juana Enverga na mula naman sa Mauban, Quezon (noon ay Tayabas). Pangatlo siya sa tatlong anak na lalaki ng mag-asawa.

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 3 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.