Question:

History of andres cristobal cruz?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

1 ANSWERS


  1. Andres Cristobal Cruz


    Si Andres Cristobal Cruz ay kilalang makata at kwentista. Ang kalipunan ng kanyang mga nasulat na tula na may pamagat na Estero Poems ay nalimbag noong taong 1961.


    Noong 1964 ay lumabas naman ang katipunan ng mga kuwento na may pamagat na White Wall. Ang magaganda niyang mga tula ay Flower by the Estero, Evening Song, Dusk, Night on the Estero, at Dawn.


    Ang panganay na nobela ni Andres Cristobal Cruz ay pinamagatang “Ang Tundo Man May Langit Din.” Kung mababasa ang aklat, mapapansin ang palagiang pagbanggit ng pangunahing tauhan sa pamagat ng nobela. Kung ang kabuaan ng isang nobela, o alinmang anyo ng sining pampanitikan ay sinasabing sagisag ng isinawikang ugna-ugnayan ng mga kaisipan at damdamin sa buhay, pamumuhay, at kabuhayan ng tao at uring kanyang kinabibilangan. Ang Tundo Man May Langit Din ay maituturing na biyaya ng maraming ugnayan sa isang panahon ng pag-ibig. Narito ang maraming pagsubok, kabiguan at tagumpay, ang diwang ispiritwal, damdaming mapanghimagsik, ang pagkilos na makatao’t makabayan.

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 1 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions