Question:

Ibat ibang uri ng mga tayutay?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

1 ANSWERS


  1. 1. Simili (Simile) [Pagtutulad]
    1. sasakyang parang ipu-ipo sa bilis
    2. babaeng parang pagong sa bagal

    2. Metapora (Metaphor) [Pagwawangis]
    1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
    2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.

    3. Personipikasyon (Personification) [Pagsasatao]
    1. Tik-tak ng orasan ay naghahabulan
    2. Masayang umihip ang hanging amihan

    4. Hiperbole (Hyperbole) [Pagmamalabis]
    1. Pilit na binuhat ang sandaigdigan
    Upang ang tagumpay ay kanyang makamtan.
    2. Yumuko sa akin ang sangkatauhan
    Nang masaliksik ko ang katotohanan.

    5. Oksimoron (Oxymoron) [Pagtatambis]
    1. Nalulungkot ako sa pananalo mo
    Sa pagwawagi mo, hustisya’y natalo.
    2. Aking tinutula ang nakalipas kong may ngiti’t himutok
    Aking nilalamay ang nakaraan kong may luha’t may lugod.

    6. Metonimya (Metonimy) [Pagpapalit-tawag]
    1.Magagandang bulaklak ng nayon (dalaga) ang kanilang mga panauhin.
    2. Siya ang timbangan, lakas tagahusga
    Sa buti at sama mag-aanalisa.

    7. Eksklamasyon (Exclamation) [Pagdaramdam]
    1. Aking nadarama ang kapighatian
    Sa pinapasan kong sobrang kalungkutan!
    2. Lubos ang tuwa ko sa pagdating ninyo
    Mabuhay! Mabuhay! Lalaya na ako!

    8. Pag-uyam (Sarcasm)
    1. Kung anong iginanda mo siya namang ikinapangit ng ugali mo.
    2. Bagay na bagay sa iyo ang damit na iyan, nagmumukha kang suman sa ibus.

    9. Pagtawag (Apostrophe)
    1. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento.
    2. Kalayaan, kay tagal kitang inasam mahawakan sa aking mga kamay.

    10. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche).
    1. Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak.
    2. Ayaw kong makita ang mukha niya!

    11. Paglilipat-wika o Transferred Epithet                                                                                                                                                                                                                                                   1. Patay tayo dun.

    12. Pagtanggi (Litoteshal).
    1.Hindi sa ayaw ko siyang pasamahin ngunit puno na ang van.
    2. Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan.

    13. Pagsalungat
    1. Ang iyong kalakasan ang iyong kahinaan.

    14. Paglumanay
    1.Imbes na, Ang lolo niya ay natigok, mas mainam na sabihin na, Ang lola niya ay sumakabilang buhay.
    Parabula
    1. “Ang Mabuting Samaritano”
    2. “Ang Alibughang Anak”

    talinghaga
    1. Matang-manok — Malabo ang paningin kung gabi; Di-makakita kung gabi

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 1 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions