Question:

Isang talumpati tungkol sa wikang filipino?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

10 ANSWERS


  1. gusto ko sana ng talumpati tungkol sa wikang tagalog


    please help me


  2.  Kabataan:Isang Pagtatanong

    ni C.C Marquez, Jr.


    Ako, ikaw…kayo…sila…tayong mga kabataan,

    Saan natin ihahatid itong ating inang batan?

    Sa altar ba ng pag-asa o sa bibig ng kabiguan

    Sa paanan ba ng langit o bunganga ng libingan?

    Dapat tayong manghilakbot…dapat tayong kilabutan

    Sa lahat ng pangyayaring nagaganap ng hayagan…

    Unti-unting naglalaho nang di natin nalalaman

    Ang sariling tatak natin bilang Perlas ng Silangan;


    Kilos natin at damdamin…ang kultura’t kabuhayan,

    Dahan-dahang nalalagom ng masakim na dayuhan!


    Nanaisin pa ba natin ang magbalik ang panahon

    Ng nabaon na sa limot na duguang mga taon…?

    Noong tayong mga kabataan ay may pusong nag-aapoy

    At wala ng hinahangad kundi gulo’t rebolusyon?

    Sa kumpas ng paarala’y nais pa ba natin ngayong

    Maglagay ng barikada’t magdaos ng demonstrasyon?

    Di ba’t dahas ay sa dahas sumugpong na lubos noon

    Upang ganap na sikangan ang sa baya’y nagsusulsol?

    Kabataan…kabataan…ako nayo’y nagtatanong:

    Saan natin ihahatid itong ating henerasyon?


    Papayagan kaya natin sa sarili nating bansa,

    Ang sariling tatak nati’t kakanyahan ay mawala?

    Sa kultura ng dayuhang dito ngayo’y bumabaha,

    Ang sariling kalinanga’y lulunurin na rin kaya?

    Ang malagim na kahapong dugo’t luha ang napunla

    Bakit ngayong susupling na saka tayo nagpabaya?

    Ang aral ni Dr.Rizal na tayo’y pag-asa nga,

    Bakit ngayo’y aral pa ring matupad ni bahagya?

    Sa paningin ng daigdig, dapat tayong mangahiya-

    Pilipinong naturingan ay dayuhan ang kamukha!


    Ikaw kaya’y isang bulag at hindi mo nakikita

    Ang talamak na pagyurak sa sarili mong kultura?

    Sa harap ng telebisyon panatag kang nakatawa

    At ni hindi ka mapaknit kung dayuhan ang programa

    Ang likas mong panooring makulay na zarzuela,

    Ngayo’y nagging video tapes at Betamax sa tuwina

    Ang tamis ng tulain mo at kundimng pangharana,

    Pinalitan mo ng disco, ng swing, ng rock, boogie;

    Dumilat ka, kabataan…ang lahi mo’y nakukuha

    Ng dayuhang sa bansa mo’y nagpapanggap na turista!


    Ang agwat ng talastasan ng magulang at anak,

    Hindi mo ba napapansing kaylawak ng isang agwat?

    Dumaraan ang maghapo’t lumilipas ang magdamag,

    Ni putol mang dayalogo’y hindi kayo nakabigkas;

    Kahit isang problema mo…sa kanila’y di naungkat,

    Kaya ito’y nananatiling suliraning hindi malutas…

    Papaano, tayong bunso’y sa lansangan nagpupuyat

    Sila namang ama at ina’y sa Gawain nagbababad;

    Ah! Sa aba ng Maykapal… kapag ito’y di nagwakas,

    Wawasakin ang pamilya’t ang bansa mo’y malalansag.


    Ikaw, ako…kayo, sila… dapat tayong mangag-isip,

    Itong ating Inang Baya’y saan natin ihahatid?

    Sa altar ba ng pag-asa o libingang sakdal lamig?

    Sakuko ng kabiguan o tagumpay na marukit?

    Tayong mga kabataan ang pag-asa ng daigdig,

    Sa magulang at ninuno’y tayong lahat ang magpapalit


    Ang kultura’t kabuhayan ay linanging buong higpit

    Upang tayo’y makalaya sa dayuhang mapanggipit;

    Isang bansa… Isang diwa ang sati’y bumibigkis,

    Tayo’y mga kabataan… Pilipino bawat saglit!


  3.  e ano ang title niyan. hmm! naku2 talaga. pero thankyou. **


  4.  kailangan ko po ng salitang balita para sa filipino subject namin please post niyo naman jan>


    Example:


    Hi ang pangalan ko po ay si Butangding


    ang balita natin ngayun ay tungkol sa mga dungue blah blah


    blah blah blah blah!...........


    Blah blah blah blah blah balaaah blaaah blablah


  5.  talumpati naman pu oh ... please po .. kailangan ko lnag ..


  6. ""Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng Pamahalaan. Kailangan magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika. Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaan--ang kakulangan ng isnag tunay na pambansand kamalayan. Hindi maaaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ng lahat. Nauunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa noong naging Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga Pilipino. Ngunit kapag ako'y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang aking mga kapwa mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya, hindi ba? Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo ng Ingles sa mga paaralan at itataguyod ko rin ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa. Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa; ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya. Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba't-ibang wikang Pilipino na Mangyan ang katutubong wikang pinakamainam gamitin. Mangyan ang tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalog ang ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong wika para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat."

  7. pls kailangan ko po ng tula tungkol sa wika help po..............

  8. talumpati tungkol sa wika

  9. walang alam ang englis kundi englis at sabi pa nila ang mga bayaning pilipino ay mga englis pati rin kayo pa englis englis pa

  10. halimbawa ng tula tungkol sa wikang pilipino

Question Stats

Latest activity: 10 years, 10 month(s) ago.
This question has 10 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.