Question:

Mag bigay nang halimbawa sa Modelo ng komunikasyon ni berly kung paano ito gamitin?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

5 ANSWERS


  1. modelo ng komunikasyon ni aristotle


  2. ewan ko mga bobo ang nandito....

  3. ano-ano ang mga elemento ng komunikasyon?

  4. Modelo ng Komunikasyon ni Berlo

    Ipinakikita ni Berlo ang mga mahahalagang elemento ng komunikasyon. Ang mga elemento ay:

    a.       Pinagmumulan ng mensahe o Source
    b.      Mensahe o Message
    c.       Pinagdaraanan ng senyas o Channel
    d.      Tumatanggap ng mensahe o Receiver

    Mapupuna natin na ang modelo ni Berlo ay maaring iangkop sa maraming sitwasyong pangkomunikasyon, at hindi lamang sa komunikasyon pasalita.


    Modelo ng Komunikasyon ni Aristotle

    Ang mga elemento ng komunikasyon na binanggit  ni Aristotle sa kanyang aklat sa Retorika ay higit na angkop sa komunikasyon pasalita. Ang mga elemento nito ay:

    a.) mananalita
    b.) mensahe
    c.) tagapakinig

    Modelo ng Komunikasyon nina Shannon at Weaver

    Ayon nina Shannon at Weaver, ang ingay ayn anumang nakakagambala sa mabisang daloy ng komunikasyon. Sa modelong ito ipinakikita ang kaugnayan ng ingay sa komunikasyon.  

    Modelo ng Komunikasyon ni Schramm


    Si Wilbur Schramm ay isa sa mga unang gumawa ng modelong nagpakita sa komunikasyon bilang dalawang patunguhan. Ang mga kalahok ay sabayang nagpapadala at tumatanggap ng mensahe. Pinahahalagahan ng modelo ni Schramm ang reaksiyon ay ipinahihiwatig kung ano ang interpretasyong ibinibigay sa mensahe ng tumatanggap nito.

    Ayon kay Schramm, upang magkaroon ng pagkakaunawaan ang mga kalahok sa komunikasyon, kailangang nagdadaop o mayroong pagkakatulad ang mga nasasaklawan ng karanasan ng mga kalahok kahit man lang sa maliit na punto ng kakayahan sa paggamit ng isang senyas na kumon.

    Modelo ng Komunikasyon ni Dance

    Ang kalikasang dinamiko ng komunikasyon ay higit na binibigyang-diin ni Dance sa kanyang paikid anyong susong modelo ng komunikasyon. Ipinahihiwatig ng modelo na ang komunikasyon ay isang proseso.

    Modelo ng Komunikasyon ni Ruesch at Bateson

    Binibigyang pansin nina Ruesch at Bateson ang kalikasan ng komunikasyon batay sa konteksto ng pinangyayarihan nito. Ayon sa kanila, may apat ba antas ang komunikasyon: intrapersonal, interpersonal, grupo at pangkultura. Sa bawat antas ay may nagaganap na pagbibigay-halaga, pagpapadala at pagtanggap. Mayroong pag-aangkop ayon sa antas ng nagaganap na komunikasyon.

  5. hi

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 5 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions