Ang pangatnig ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap.
Mga Uri ng Pangatnig
1. Paninsay. Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nagkakasalungatan.
Halimbawa:
Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.
2. Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang maipakilala ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob.
Halimbawa:
Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkat nariyan si Dong na magpapatuloy ng kanyang naudlot na gawain.
3. Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang bagay o isipan.
Halimbawa:
Maging ang mga kasamahan niya’y nagpupuyos ang kalooban.
4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga nasabi na.
Halimbawa:
Sumisigaw ang kanyang pusoat humihingi ng katarungan.
Pangatnig na panimbang din ang tawag sa at, ngunit, datapwat sapagkat nag-uugnay ng mga salitang magkakapantay; ng mga parirala, ng mga sugnay na pantulong, at ng mga sugnay na nakapag-iisa. Panlinaw rin ang mga pangatnig na samakatuwid, kung gayon, kaya.
5. Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at nangangailangan ng ibang diwa o pangungusap upang mabuo ang kahulugan.
Halimbawa:
Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang welga.
6. Panapos. Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita.
Halimbawa:
At sa wakas naibigay rin ang kanilang sahod.
7. Panulad. Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari.
Halimbawa:
Kung ano ang utang, siya ring kabayaran.
Report (0) (0) |
7 years, 7 month(s) ago