0 LIKES LikeUnLike
Tags:
Elehiya para kay Renato Constantino
Tutulaan kita ng tulang malumbay, Tula ng hinagpis at panghihinayang: Kaming inulila ng iyong paglisan Nagpapasalamat at kami'y dinalaw.
Lahat ng akda mo tungkol sa lipunan, ilaw na nagbukas sa daming pintuan, Ang pinasok nami'y bulwagan ng araw, Sumanib sa amin ang kaliwanagan.
Tutulaan kita ng tulang mapayapa, Tulang kikilala sa iyong adhika Na ang kasaysayan ay mula sa ibaba Ay maisasalaysay ng mga naaba.
Itong sambayanang itinanikala, Binigyan ng dila't pinagpagsalita, Kanilang himagsik at mithiing paglaya, Binigyan ng puwang ng diwa mo't katha.
Tutulaan kita ng tulang maalab, Tulang nagbabaga, tulang nagniningas, Aking itatanghal anmg plumang pangahas Na nagbigay talim sa pamamahayag.
Ang lipunan nati'y tinistis mong ganap, Anino at tabing ay iyong nilaslas, Piyudal at kolonyal sabay itinambad, Kamalayan nami'y pinapaglagablab.
Ngayong nalulumbay ang sambayanan, Pamanang liwanang iinagt-ingatan, aariing dupil ng giting at tapang, Gagawing sandata sa pakkilaban.
Kaming pinalaya ng kaliwanagang Dulot ng diwa mong katimyas-timyasan, Uusigin namin ang kinabukasan, At tutuluaan ka ng tulang palaban.
Report (0) (0) | earlier
some examples of tulang elehiya.. pls give me one..
_please some examples of elihiya
Latest activity: earlier. This question has 5 answers.