Question:

Mga halimbawa ng tambalang salita?

by  |  earlier

1 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

3 ANSWERS


  1. lakbay-aral


  2. 1. Tengang-kawali- taong nagbibingi-bingihan
    2. Ingat-yaman - tresyurera o tresyurero, tagapag-ingat ng salapi o ari-arian ng isang tao o organisasyon
    3. Matapobre - mapagmataas, malupit, mapangmata sa mga mahihirap
    4. Patay-gutom - timawa, palaging gutom, matakaw
    5. Hampaslupa - mahirap, pobre, pulubi
    6. Akyat-bahay - magnanakaw, mang-uumit sa bahay ng iba
    7. Boses-palaka - pangit kumanta, sintunado o wala sa tono
    8. Ningas-kugon - sinisimulan ang isang Gawain ngunit hindi tinatapos
    9. Nakaw-tingin - pag-sulyap sa isang tao na hindi niya nalalaman
    10. Agaw-pansin - madaling makakuha ng pansin o atensyon, takaw-pansin, agaw-eksena
    11. Sirang-plaka - paulit-ulit ang sinasabi
    12. Takip-silim - mag-gagabi, pagitan ng hapon at gabi
    13. Bukang-liwayway - mag-uumaga, pagitan ng ng umaga at madaling-araw
    14. Madaling-araw - pagitan ng hatinggabi at bukang-liwayway
    15. Hatinggabi - eksaktong alas dose ng gabi, pagitan ng gabi at madaling-araw
    16. Tanghaling-tapat - eksaktong alas dose ng umaga, pagitan ng umaga at hapon
    17. Balat-sibuyas - iyakin, madaling umiyak, mababaw ang luha
    18. Lakad-pagong - mabagal maglakad
    19. Silid-aklatan - silid kung saan nilalagak ang mga aklat at iba pang babasahin
    20. Silid-tulugan - bahagi ng bahay o kuwarto kung saan natutulog ang mga tao
    21. Bahay-aliwan - lugar kung saan nagliliwaliw ang mga tao, kadalasan mga lalaki
    22. Agaw-buhay - malapit ng mamatay, babawian na ng buhay
    23. Bahay-bata - bahagi sa katawan ng babae kung saan nabubuo ang bata, sinapupunan
    24. Anak-araw - sobrang maputi, makasisilaw sa puti tulad ng sa araw
    25. Pamatay-insekto - gamit na kayang pumatay sa mga peste at insekto at kadalasang ginagamit sa pagtatanim, paghahalaman at sa bahay
    26. Matanglawin - matalas ang paningin
    27. Biglang-yaman - biglaang pagyaman ng hindi pinagsisikapan ang maturing yaman
    28. Likas-yaman - pinagkukunang yaman na nanggagaling sa kalikasan
    29. Tubig-alat - tubig na nanggagaling sa dagat o karagatan
    30. Tubig-tabang - tubig na nanggagaling sa mga ilog, lawa at ibang maliit na bahagi ng tubig

  3. mga  tambalang salita na may kahulugan

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 3 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.