Question:

Mga talumpati ng mga sikat na manunulat?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

1 ANSWERS


  1. Pananalig
    Ramon Magsaysay

    Nananalig akong nagsisimula ang pamahalaan sa ibaba at kumikilos paitaas dahil ang pamahalaan ay narito para sa ikabubuti ng nakararami sa ating bayan.

    Nananalig akong ang mas gipit sa buhay ay dapat mas higit sa batas.

    Nananalig akong may angking karapatan ang karaniwang mamamayan sa mas higit na laman ng tiyan, mas higit na pananamit at mas higit na sisilungan.

    Nananalig akong ang bayang ito ay nabiyayaan ng isang pusong masigla at magiting, at nagtataglay ng lihim na galing at nakamamanghang kakayahang salubungin ang mga hamong hinaharap.

    Nananalig akong mamamayani sa lahat ng antas ng gawain ng pamahalaan ang dakila at walang-sawang pagtalima sa tawag ng kabutihan.

    Nananalig akong malakas at tuwid ang pulso ng pamahalaan, at mayroong sigla ng misyonero ang mga pinuno nito.

    Nananalig ako sa karangalan ng pamamaraang naaayon sa konstitusyon at sa batas, sa kahalagahan ng karapatang pantao.

    Nananalig akong matatag ang kabuoan ng pandaigdigang lipunan, at walang pangangailangan o dahilan upang isantabi ang karangalan ng sangkatauhan.

    Nananalig akong salot ang komunismo, ganoon din ang karahasang idinudulot nito sa mga pinahahalagahan ng Kristiyanismo.

    Nananalig akong dapat maging halimbawa ang Pangulo ng pagkakaroon ng pusong mahabagin, pag-iisip na tapat, likas na kakayahang magpasiya, angkop na kawalan ng tiyaga at isang walang-hanggang pagmamahal sa karaniwang mamamayan.

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 1 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions