Question:

Paglaganap ng imperyo ng hettite?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

2 ANSWERS


  1. Ang paglaganap ng imperyo ng Hittite.Sa simula ng lumang kaharian noong 1460 BCE,larawan pa ito ng kahinaan.Karamihan sa mga haring Indo-Europeo ay mahihinang pinuno,kasama na rito ang Hittite.Natapos ang kahinaang ito nang magsimulang mag hari si Telepinus.Ang pagtatatag niya ng sumusunod na pamunuan ay nakabuti sa mga Hittite.Ang mga naitatag niyang batas ay dinagdagan ng kodigo ng batas ng mga sumunod na pinuno.Nagtatag din ng isang malakas na militar na naging simula ng isang imperyo.

    Nagsimula ang imperyo ng Hettite sa kanyang pananakop at pandarambong sa Babylonia.Subalit napakalayo ng kanilang lupain upang pamunuan ang Babylonia kaya nagpasya ang mga Hittite na bitiwan ito.Nagpatuloy sila sa kanilang pananakop sa kanlurang bahagi ng Fertile Cresent.

    Sinakop ng mga Hittite ang Syria noong 1460 at tinawag na Syro-Hittite ang kabihasnan dito.Nang maging hari ng mga Hittite si Suppiluliumas noong 1375 BCE,kanyang inagaw ang Mitanni sa Egypt at lubusan nitong nakontrol ang sentral at hilagang Syria.Lubos na ipinagtanggol ng mga sumunod na hari ang imperyo sa muling lumalakas na Egypt.Nagkaroon ng mga tratado o kasunduan sa pagitan ng dalawang kaharian.Subalit nang si Rameses ll na ang naging paraon ng Egypt,sinira niya ang kasunduan noong 1290 BCE.Natalo ng mga Hittite ni Rameses sa Kdesh at sa sumunod na mga kasunduang pangkapayapaan noong 1272 sa pagitan nina Rameses at Hattusilis lll,ang mga Hittite na ang nagdikta ng mga kondisyon.


  2. ewan

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 2 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.