1 LIKES LikeUnLike
Tags:
ang pangkat na itob ay makikita sa mga orihinal na lalawigang iloko tulad ng ilocos sur, ilocos norte at la union. matatagpuan din sila sa mga lalawigang kanilang pinandarayuhan tulad ng pangasinan, nueva ecija, tarlac, zambales, nueva viscaya, abra, cagayan at isabela at sa mga lalawigan ng visayas at mindanao. maraming iloca no ang nandarayuhan. ito ay sanhi ng heograpiya ng rehiyon na bulubundukin, mahaba ang tag-araw at maikli ang tag-ulan. dahil sa heograpiya nito, likas na mahirap humanap ng ikabubuhay sa rehiyon. gayunpaman, ang mga ilocano ay likas na masipag, malikhain at matipid. bihasa sila sa paggawa ng sisidlan ng tubig o imbakan ng bagoong o (burnay) na yari sa semento, buhangin at mga lalagyan ng bulaklak na yari sa luwad (paso). kilala rin ang kumot na yari sa ilocos. ito ay tinatawag na "kumot-ilokano" (inabel). mahusay silang magtanim ng tabako (virginia) na siya nilang pangunahing produkto. makasining din ang mga ilocano. mula sa kanila ang epikong "biag ni lam-ang," gayundin ang "dallot" na napakikinggan sa panahon ng pagdadalamhati. mula sa pangkat na ito galing ang dalawang naging pangulo ng pilipinas na sina elpidio r. quirino at ferdinand . marcos.
Report (0) (4) | earlier
Report (2) (1) | earlier
ka inis nman ako din naghahnap ng kultura nila hrap nman mag hanap
Report (1) (1) | earlier
Report (1) (0) | earlier
Report (0) (0) | earlier
Report (1) (2) | earlier
Latest activity: earlier. This question has 12 answers.