Question:

Pwede ba makahingi ng halimbawa ng matatalinhagang salita?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

6 ANSWERS


  1.  UPASALA-pag-alipusta o pag-api


    hal:Ang upasala na ipinakita niya sa dukhang magsasaka ay hindi dapat tularan ninuman.


    .....................................................^_^.................................................................


  2. mga halimbawa ng tala

  3. thank you!!! ang galing galing nyo!!!
    maraming salamat po si loriebelle 2..^^

  4. WALANG HUMPAY, NAGLUBAG NG KAGUSTUHAN, NAPAWI NG TULUYAN, WASAK ANG ISIP, WALA SA LOOB, LUMUNDAG SA TAKOT,

  5. Abuloy - bayad sa nahigop na kape at nanguyang biskwit sa nilamayang sakla.
    Akala - alam na alam daw.
    Aginaldo - inaasahan na makukuha sa araw ng Pasko na mas okay sana kung pera na lang.
    Asong - pungge - susunod-sunod sa dalaga
    ahas-bahay- masamang kasambahay

    Bakasyon - sandaliang pahinga sa trabahong hingal lang ang pahinga.
    Bakya - tsinelas na may takong.
    Bagoong - masarap na ulam ng mga walang maiulam.
    Baldado - hindi mamamatay-matay na mukhang hindi na mabubuhay.
    Bale - suweldong inutang.

    Kaaway - ikli ng 'kaibigan na Inayawan.'
    Kababata - dating gelpren na may ibang boypren.
    Kabag - utot na naipon sa tiyan.
    Kabayo - hayop na sinasakyan ng kalesa.
    Kalbo - gupit ng buhok na korteng itlog.

    Dagang - bahay - taksil sa kasambahay
    Dalaginding - dalagang hindi pa nagsusuot ng bra.
    Dilim - liwanag na maitim.
    Dapit Hapon-malapit ng gumabi

    E - ireng paseksi.

    Gahasa - romansang walang ligawan.
    Ginang - asawa ni ginoo na mukha nang tsimay.
    Ginoo - inaasawa ni ginang na may inaasawang iba.
    Gipit - kalagayan ng tao na suki na ng sanglaan.

    Ha - sagot ng nagbibingi-bingihan.
    Halakhak - tawang bukang-buka ang ngala-ngala.
    Handaan - magdamagan na Palakihan ng tiyan.
    Handog - bigay na laging may kapalit.
    Hipo - haplos na may malisya.
    Hudas - tapat na manloloko.

    Ibon - hayop na lumalangoy sa hangin.
    Imposible - pagtaas ng unano.
    Insulto - walang hiyang biro.
    Isda - hayop na hindi nalulunod.
    Ita - negrong Pinoy.

    La - ikli ng 'lalalalala' sa kinakantang hindi maalala.
    Lalawigan - syudad ng kahirapan.
    Langaw - kulisap na bangung-bango sa amoy ng basura.
    Lakad - kuhol - mabagal utusan; patumpik - tumpik kapag inutusan
    Ligong - uwak - hindi naghihilod o gumagamit ng bimpo kapag naliligo; ulo lamang ang binabasa.

    Malusog - hitsura ng tumatabang balat.
    Mama - tawag sa sosyal na ina.
    Mano - kaugaliang Pinoy na nakapupudpod ng noo.
    Mantika - katas ng piniritong taba.
    Maybahay - asawang utusan sa bahay.

    Nakaw - pagkuha ng walang pasabing 'akin na lang ito.'
    Naku - ikli ng 'ina ko, ina na ako.'
    Nitso - bahay ng mga patay.
    Nobya - gelpren na laking probinsya.
    Naglulubid ng buhangin- Madalas sabihin ni Lola kpg gumagawa ako ng kwentong di-totoo

    Ngalngal - iyak ng walang ipen.
    Ngisi - tawang tulo-laway.
    Ngiti - tawang labas ipen.

    Paa - bahagi ng katawan na amoy lupa.
    Paaralan - dito itinuturo kung ano, alin o sino ang mapipiling bobo.
    Panata - dasal na nakatataba ng tuhod.
    Paang - pato - tamad; makupad; babagal-bagal kung lumakad
    Pagpaging alimasag - walang laman

    Regla - masungit na panahon ng pagkababae.

    Sabon - mabangong bagay na ipinapahid sa mabahong katawan.
    Sakristan - utusan ng pari.
    Sampal - haplos na nakatitigas ng mukha.
    Salimpusa (saling - pusa) - hindi kabilang sa anumang panig;
    Sangkahig, sangtuka - Ginagasta ang siyang kinikita.

    Ta - ikli ng 'tita' o lalaking may bra.
    Tamad - taong hindi napapagod sa pahinga.
    Tagong - bayawak - madaling makita sa pangungubli
    Tawang - aso - tawang nakatutuya
    tuyo ang papel-maganda ang imahe

  6. May balahibo ang dila - sinungaling
    May balat sa batok - malas
    May bituin sa palad - masuwerte sa lahat ng bagay, lalo sa negosyo; mapapalarin
    May kuko sa batok - masamang tao; di - mapagkakatiwalaan
    May kurus ang dila - nagkakatotoo ang bawat sabihin
    May nunal sa paa - Layas; mahilig maglagalag
    May tala sa noo - babaeng ligawin o malimit suyuin ng mga lalaki
    May - sungay - lalaking di - pinagtatapatan ng asawa; lalaking kinakaliwa o pinagtataksilan ng asawa
    Nakadikit ng laway - tanggalin; madaling tanggalin
    Namuti ang mata - Nabigo sa paghihintay; hindi dumating ang hinihintay
    Namuti ang talampakan - kumarimot dahil naduwag; tumakbo palayo dahil sa natakot o naduwag.
    Nasa dulo ng dila - hindi masabi-sabi; hindi matandaan, bagama't alam na alam
    Naulingan ang kamay - nagnakaw; kumupit ng salapi
    Puting tainga - maramot
    Sa pitong kuba - paulit-ulit

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 6 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.