Question:

Pwede po bang makahingi ng dalawang maikling talumpati salin sa pilipino kasi po kailangan namin sa project namin sa FILIPINO...salamat po.?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

5 ANSWERS


  1. yes


  2. Pwede po bang makahingi ng dalawang maikling talumpati salin sa pilipino kasi po kailangan namin sa project namin sa FILIPINO...salamat po.?

  3. help nmn po ohh. kht 2-4 paragraphs lng need lng po for our pre-finals dis wed.. thnx.

  4. Ang Aking Maikling Sanaysay Ukol Sa Pilipinas
    Salin ni: William P. Nucasa

    (Ito ay salin ng sanaysay sa English ni Jaeyoun Kim, isang estudyanteng Koreano, na may pamagat na My Short Essay About The Philippines. Ipinalathala ni Peliks Deyta, Jr. sa The Weekly B.A.N.A.T. (Brave Advocacy for National Advancement of Truth) na may petsang April 9-15, 2008. Si Ginoong Deyta ay isa sa mga kontribyutor ng BANAT, lingguhang pahayagan sa Norte.
    Tunghayan n’yo at sana’y inyong maramdaman ang damdaming naramdaman ng tagasalin noong una niyang basahin ang sanaysay. Makakatulong ito sa inyong pagmumuni-muni kaugnay ng sapin-saping krisis na kinakaharap ng ating bansa.)


    Labis na ikinababahala ng mga Pilipino ang talamak na korapsyon sa Pilipinas. Ikaw, naniniwala ka ba na korapsyon nga ang pangunahing suliranin? Ako, hindi! Ang nakikita kong dahilan ay ang kakulangan ng pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang bansa.
    Hayaan n’yong magkuwento muna ako ukol sa aming bansa, ang Korea. Sa palagay ko, makakatulong ito upang maunawaan n’yo ako. Pagkatapos ng Korean War, alam n’yo ba na ang South Korea ay isa sa pinakaabang bansa sa daigdig? Nagsimula ito sa wala dahil ang buong bansa ay winasak ng digmaan. Nawasak maski ang mga likas na yaman.
    Madalas noong maging paksa ng mga Koreano ang Pilipinas dahil angat sa pamumuhay ang mga mamamayan nito. Inggit na inggit noon ang mga Koreano sa mga Pilipino.
    Pinakapapangarap talaga noon ng mga mamamayan ng Korea na maging kasing-unlad ng mga mamamayan ng Pilipinas. Marami ang namatay sa gutom. Ang tatay at kuya ko man ay namatay sa gutom. Ang korapsyon sa pamahalaan ay higit pa kaysa sa inyong inakala. Ngunit dahil sa pagkakaisang bumigkis sa aming mga pusong naglalagablab sa pagkamakabaya’y nagawa naming magbago at umunlad.
    Noong naluklok sa kapangyarihan si Presidente Park, apatnapung taon na ang nakararaan, ginawa niya ang lahat upang mapaunlad ang Korea. Sinubok niyang manghiram ng pondo sa ibang mga bansa ngunit siya’y nabigo dahil sa kahabag-habag na kalagayang pang-ekonomiya ng South Korea. Hindi siya nakahikayat maski ng dayuhang mamumuhunan. May tatlong pabrika lamang noon ang Korea. Kalaunan, ang presidente’y nagpasya na lamang na magpadala ng maraming minero at nars sa Germany nang may magpadala ng pondo upang makapagpatayo ng mga pabrika. Katakut-takot ang hirap at dusang pinagdaanan ng mga iyon.
    Noong 1964, bumisita si Pres. Park sa Germany upang manghiram ng pondo. Daan-daang Koreano sa naturang bansa ang sumalubong sa kanya sa airport. Luhaan, ito ang iisang tanong ng lahat: “Mahal na Pangulo, kailan bubuti ang ating kalagayan?” Nakiluha din sa kanila ang pangulo. Sabi niya, magiging maunlad ang Korea kung ang bawat Koreano ay magpupursige para sa kanyang pag-unlad. Napahanga sa nasaksihan, pinahiram ng presidente ng Germany ang aming bansa. Daan kaya tumayo ang maraming mga pabrika. Lalong dumalas ang pagpapaalaala ni Pres. Park na mahalin ng mga Koreano ang Korea.
    Maraming Koreanong inhinyero at sayantist sa Estados Unidos ang bumalik upang tumulong na mapaunlad ang Korea. Gayong kakarampot lamang ang sahud, ibinigay nila ang lahat ng kanilang makakaya para sa kanilang bansa. Marubdod ang hangarin nilang maninirahan sa masaganang bansa ang kanilang mga anak.
    Palagi akong ipinapasyal ng aking mga magulang sa mga lugar ng maralita at mga may kapansanan. Gusto nilang maunawaan ko ang kanilang buhay upang malaman ko kung paano sila matutulungan.
    Naglingkod din ako sa Simbahang Katoliko noong ako’y nasa army. Ang pinakamahalagang natutuhan ko mula sa simbahan ay ang pagmamahal sa kapwa. At totoo, mahal ko ang aking kapwa. Iniyakan mo na ba ang Pilipinas? Ako, iniyakan ko na ang aking bansa ng maraming beses. Iniyakan ko na rin ang Pilipinas dahil sa kanyang napakaraming maralitang mamamayan. Nakadalaw na ako sa Bilibid. At doo’y nakadama ako ng kalungkutan dahil sa mga bilanggong walang pagmamahal sa kanilang bansa. Dumadalo sila sa misa at tumutulong sa mga gawain ng simbahan. Nagdadasal sila araw-araw.
    Gayunman, hindi nila mahal ang Pilipinas. Dalawa sa mga bilanggo sa maximum-security compound ang nakausap ko at kapwa nila balak lisanin ang Pilipinas pagkalabas nila ng kulungan. Magsisimula raw sila ng bagong buhay sa ibang bansa at kailan ma’y hindi na babalik dito.
    Dakila ang pagiging makabayan ng mga Koreano. Bukas ang mga palad nila sa pakikiramay at pagtulong sa kapwa. Isang katunaya’y binabahaginan ng mga may-ari ng mga pabrika ang kanilang mga manggagawa mula sa kanilang kita upang may maidagdag ang mga iyon sa kanilang pang-araw-araw na gastusin at may maitabi pa para sa kinabukasan ng mga anak.
    Noong ako’y nasa Korea pa, pinangarap kong maging pari. Nang nasa Pilipinas na’y naglaho ang pangarap na iyon. Nalito ako sa napakaraming reyalidad na nasilayan dito. Araw-araw, senaryong nagpapadugo sa puso ko ang nakikitang mga batang kalye sa kahit saan man. Ang Pilipinas ang tanging Katolikong bansa sa Asya, ngunit napakarami ritong nagdarahop. Ang mga tao ay laging nagpupupunta  sa simbahan tuwing Linggo ngunit wala namang nagbabago.
    Pumunta rito ang mga magulang ko noong nakaraang linggo at nakita rin nila ang mga senaryong ito. Sabi nila, ang Korea ay higit pang dukha kaysa sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas noong sila ay mga bata pa. Ikinasugat ng loob nila ang maraming pulubi at batang lansangan.
    Noong dumayo kami sa Pagsanjan, pinilit ko silang sumakay kami sa bangka dahil sabi ko’y masaya iyong eksperyensya. Ngunit hindi sila nasiyahan. Hindi na raw uli sila sasakay ng bangka upang huwag maawa muli sa mga bangkero. Payat ang mga iyon. Halatang maralita. Karamihan sa mga lulan ng bangka ay siyang-siya, hindi alintana ang hirap ng mga bangkero sa paggaod. Hindi ganoon ang mga magulang ko dahil may simpatya sila sa kapwa. Mahal nila ang mga bangkero.
    Sinabi ng aking ina (na naglilingkod na sa simbahan simula noong ako’y musmos pa) na kapag pumupunta tayo sa simbahan ngunit hindi tayo nagbabago ay hindi tayo tunay na Katoliko. Ang tunay na pananampalataya ay may kalakip na gawa.
    Dagdag pa niya, mahalin ko ang mga Pilipino at gawan sila ng mabuti dahil pantay tayong lahat sa paningin ng Diyos na nagmamahal sa atin. Hangad kong sana’y mahalin ng mga Pilipino ang kanilang kapwa at ang kanilang bansa katulad ng pagmamahal nila sa Diyos upang mapabuti ang Pilipinas.
    Tiyak ako na pagmamahal ang keyword na dapat maisapuso ng bawat Pilipino. Hindi natin mababago ang lisyang kabuuan nang isang iglap lamang. Ang pagbabago ay dapat magsimula sa bawat indibidwal. Ang pagmamahal ay dapat sumibol sa puso ng lahat. Maraming kayang gawin ang pagmamahal. Alisin natin ang pagkakampi-kampi at sa halip ay pagtuunan ng sama-samang atensyon ang mga tunay nating suliranin sa pamamagitan ng ating bago at busilak na pananaw.
    Magtiwala sa magagawa ng pagmamahal. Kaya nitong baguhin ang mundo, ang lahat. Please, mahalin n’yo ang inyong kapwa. Mahalin n’yo ang inyong bansa.
    Sabi ni Hesus, anumang gawin natin sa kapwa ay ginawa natin sa Kanya. Kung mayroon kang anak, turuan mo siyang mahalin niya ang Pilipinas. Isalaysay mo sa kanya kung bakit dapat niyang mahalin ang kanyang kapwa at ang kanyang bansa. Masisiyahan din ang Diyos kung mahal natin ang isa’t isa.
    Iyan ang kabuuan ng nais kong sabihin sa inyo, mga minamahal kong Pilipino.

  5. pwede poe bang makahingi ng talumpati tungkol sa nasyonalismo,ung medyo mahaba poe....

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 5 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions