Question:

Sino ang mga kapatid ni Dr Jose Rizal?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

13 ANSWERS


  1. tnx sa answer po................


  2.  Saturnina (1850 - 1913) - panganay sa magkakapatid na Rizal, ang palayaw niya'y Neneng; ikinasal siya kay Manuel T. Hidalgo ng Tanawan, Batangas.


    Paciano (1851-1930) - nakatatandang kapatid na lalaki at katapatang-loob ni Jose Rizal; pagkaraang bitayin ang nakababatang kapatid, sumapi siya sa Rebolusyong Pilipino at nahing Heneral; pagkaraan ng Rebolusyon nagretiro siya sa kanyang bukid sa Los Banos , kung saan siya ay naging magsasaka at namatay noong Abril 30,1930, isang matandang binata sa edad na 79. May dalawa siyang anak sa kanyang kinakasama (Severina Decena ) - isang lalaki at isang babae.


    Narcisa (1852-1939) - palayaw niya ay Sisa at ikinasal siya kay Antonio Lopez (pamangkin ni Padre Leoncio Lopez), isang guro sa Morong.


    Olimpia (1855-1887) - palayaw niya at Ypia; ikinasal kay Silvestre Ubaldo, isang operator ng telegrapo mula Maynila.


    Lucia (1857- 1919) - ikinasal siya kay Mariano Herbosa ng Calamba , na pamangkin ni Padre Casanas. Namatay sa Kolera si Herbosa noong 1889 at itinanggi sa kanya ang isang Kristiyanong libing dahil bayaw siya ni Dr. Rizal.


    Maria (1859-1945) - Biang ang kanyang palayaw; ikinasal siya kay Daniel Faustino Cruz ng Binan, Laguna.


    JOSE (1861-1896) - ang pinakadakilang bayaning Pilipino at henyo; ang kanyang palayaw ay Pepe; habang desterado sa Dapitan, nakisama siya kay Josephine Bracken, isang Irlandes mula Hongkong; nagkaanak siya rito ng lalaki ngunit ngunit ilang oras lamang nabuhay ang sanggol pagkapanganak; pinangalanan siyang "FRANCISCO' ni Rizal, sunod sa ngalan ng Ama, at inilibing siya sa Dapitan.


    Concepcion (1862-1865) - ang kanyang palayaw ay Concha; namatay siya sa sakit sa edad na 3; ang kanyang pagkamatay ay unang kalungkutan naranasan ni Rizal.


    Josefa (1865-1945) - ang kanyang palayaw ay Panggoy; namatay siyang matandang dalaga sa edad na 80.


    Trinidad (1868-1951) - Trining ang kanyang palayaw; namatay rin siyang isang matandang dalaga noon 1951 sa edad na 83.


    Soledad (1870-1929) - bunso sa magkakapatid na Rizal; ang kanyang palayaw ay Choleng; ikinasal siya kay Pantaleon Quintero ng Calamba




    Another Answer:

    1.Saturnina

    -panganay

    -palayaw ay Neneng

    -napangasawa nya si Manuel T. Hidalgo ng Tanawan Batangas

    2.Paciano

    -nag iisang kapatid na lalaki ni Rizal

    3.Narcisa

    -palayaw ay Sisa

    4.Olimpia

    -palayaw ay Ypia

    5.Lucia

    -asawa nya si Mariano Herbosa

    6.Maria

    -palayaw ay Biang

    -naging asawa nya si Daniel Faustino

    7.Jose

    -ang ating pambambansang bayani

    8.Conception

    -palayaw ay Concha

    -unang kalungkutan ni Rizal

    9.Josefa

    -palayaw ay Panggoy

    10.Trinidad

    -palayaw ay Trining

    11.Soledad

    -bunso

    -palayaw ay Choleng

    -sanay makatulong itosa inyo


  3.  may mga palayaw ba sina lucia.paciano at jose?????


  4.  may palayaw a si lucia,paciano,jose?????????????????


  5. hindi ko alam ehh kaya nga nagtatanong !!!!

  6. Rhina Mae Amador

  7. gege..add nalang kita heheheh

  8. ` bwahaha :)

    add nyo nlng ako sa fb qoe ..

    blackaholic_lab@yahoo.com

  9. Wala yan mga Weak Dota nalang...jejeje add nyu ko sa facebook k?
    josh_947@yahoo.com

  10. mga kapatid ni rizal ayon sa pag kakasunod sunod 1,si joe 2 ,see 3,rizie 4,saly

  11. ang mga kapatid ni rizal ay sina saturnina paciano narcissa olimpia lucia maria josefa trinidad at solidad.

  12. mga larawan ng mga kapatid ni dr.jose rizal

  13. Sina Saturnina,Paciano,Narcissa,Olimpia,Lucia,Maria,Josefa,Trinidad at Soledad ang kanyang mga kapatid.

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 13 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions