Question:

Talambuhay ni magellan?

by  |  earlier

0 LIKES UnLike

 Tags:

   Report

2 ANSWERS


  1. Kapanganakan at kabataan
    Ipinanganak si Magellan sa Sabrosa (malapit sa Vila Real, sa lalawigan ng Trás-dos-Montes sa hilagang Portugal) o sa Porto. Anak ng alkalde ng bayan, si Pedro Rui de Magalhães, at ni Alda de Mesquita, mayroon siyang dalawang kapatid: sina Diogo de Sousa, ipinangalan mula sa kanilang lola, at si Isabel.

    Pumanaw ang mga magulang ni Magellan nang siya ay sampung taong gulang pa lamang. Sa edad na 12, naging pahe o page siya kay Haring João II at Reyna Eleonora sa kanilang kaharian sa kabisera ng Lisboa, kung saan naroon din ang kanyang kuya. doon din nya nakita si ENRIQUE ang taga-sumatra na gagamitin nyang interpreter sa balak nyang pagtuklas sa Maluku (moluccas, spice island).Kasama ang pinsang si Francisco Serrano, ipinagpatuloy ni Magellan ang pag-aaral at nakahiligan ang heograpiya at astronomiya. Tinataya ng ilan na maaaring naging guro niya si Martin Behaim. Noong 1496, naging eskudero o squire si Magellan.

    Sa edad na 20, nagsimulang maglayag si Magellan. Noong 1505 ay inatasan siyang magtungo sa Indiya upang hirangin si Francisco de Almeida bilang birrey o viceroy at magtatag ng mga base militar at pangdagat doon. Dito siya unang napasabak sa isang labanan: nang ang isang lokal na hari roon ay tumangging magbayad ng tributo, lumaban sina Almeida at tuluyang nasakop ang Muslim na lunsod ng Kilwa sa lupaing ngayon ay Tanzania.

    Kamatayan
    Nakarating si Magellan sa isla ng Homonhon sa Pilipinas noong 16 Marso 1521, kasama ang 150 tauhan. Nakipagpalitan sila ng handog kay Rajah Siaiu ng Mazaua, na naghatid sa kanila sa Cebu noong 7 Abril.

    Nakipagkaibigan sina Magellan kina Rajah Humabon ng Cebu at kanyang asawang si Juana, at biniyagan silang Kristiyano. Pagkatapos, ay hiniling nina Rajah Humabon at kanyang kaibigan si Datu Zula na patayin ang kanilang kaaway na si Datu Lapu-Lapu ng Mactan. Ninais sana ni Magellan na mabinyagan ding Kristiyano si Lapu-Lapu, tulad ng kay Rajah Humabon, subalit hindi pumayag si Lapu-Lapu. Naglayag si Magellan kasama ang kanyang mga tauhan papuntang Mactan noong umaga ng 27 Abril 1521. Sa Laban ng Mactan, tinamaan si Magellan ng panang may lason at tuluyan nang napalibutan ng mga tauhan ni Lapu-lapu. Mula kina Antonio Pigafetta at Gines de Mafra ang naiwang mga salaysay ng pagkamatay ni Magellan.


  2. anu sng nangyari sa buhay ni magellan?

Question Stats

Latest activity: earlier.
This question has 2 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions